16 Replies

tamang swaddle is the key po 💯 1 mo din now bunso ko and ayaw din pababa hirap din patulugin sa gabi but with the help of proper swaddle nkakatulog sya mahimbing. aside po dun iniisip ko nalang na pag ayaw magpababa ng baby ko is, lilipas din ang panahon, tatanda din sila tulad natin mga mommies and once na dumating ung araw na yun, baka mamiss ko silang kargahin kaya po sulitin nyo na hehe lalo first born po

Nako sis. Pag swaddle ko siya na iinis siya, gusto niya kasi nakataas ang kamay niya

patugtog po kayo ng music habang hinehele si baby...tapos po kapag ibaba siya make sure po na himbing na sleep niya...then dahan dahan ibaba...tawagin niyo din po ung name ni baby (turo po ng mga matatanda 😊) which is effective sa baby ko po...going 3 mos... puro tulog si baby sa crib niya...kaya mo yan mamshie ❤ madami pa changes si baby sa sleeping habits..

Pano pong tawagin?

dahan dahan mo sya ibaba sis. tapos pagkababa, tapik tapikin mo hanggang sa makatulog ulit. madalas, binababa ko baby ko kapag alam kong tulog na pero di pa mahimbing or malalim. para pagka baba ko, saka sya makatulog ng diretso. mahuhuli mo din kiliti ni baby.

Nako sis na try ko na to. Babaw talaga niya matulog at nag papabuhat lagi. 🥺

VIP Member

pa Side view ko Po siya Nilalapag sa Higaan tas Nilalagyan lang siya ng Unan Para Itanday Yung Hita niya at nakayakap siya dun , Wag po ilalapit sa Face ni baby ang unan Para iwas Aksidente na di makahinga si baby.. tapik tapik lang po kung nagigising siya.

Sa bandang Ibaba Lang Po siya Nilalagyan ng unan , Gaya ng sabe ko , para maiwasan Masuffocate ang baby.

Nagaadjust pa po talaga si baby sa outside world. Makukuha nyo din po kung paano sya makakatulog. Puyatan lang po talaga sa una. Pero ginawa ko din po yun nilalagyan ko muna pillow para mukhang buhat pa din sya, alisin nyo na lang pag tulog na talaga.

Parang first 2 weeks po talaga yung sobrang puyat. Minsan po naiiyak na din ako pag umiiyak sya. Haha. Tapos unti unti po na mas nakakatulog na sya sa gabi. 2 1/2 months na po sya ngayon. Di na po halos nagpapahele, dede lang po sya tapos matutulog na. Di ko nga din po alam kung magbabago pa to pero thankful po ako at maaga pong nakatulog kami ng maayos agad. 😊

hi po! ang ginawa mo namin nung ganyab si baby is nakahiga sya or basta may malapit sa kanya na damit ko. sa ganong paraan hindi naman na po sya madalas magpabuhat. baka sakali lang po may work din sayo.

Sige sis i try ko ito.❤️ salamat

Mommy kayo masusunod ilang oras lang naman iiyak yan at maganda gawin niyo sa umaga para exercises din sa baga ng bata ang pag iyak sanayin niyo po

natry mo na sya mommy iswaddle? baka Po Naghahanap si baby Ng duyan. ganyan din Po kase yung baby ko. pero nung may duyan na di na sya nagpapabuhat.

try mo mommy duyan sa umaga, para makagawa at makapagpahinga ka. sa Gabi itabi mo padin sya sa pagtulog.

i feel you sis, mag 1mo na si lo this 11. ayaw nya rin pababa kaya kung matulog kmi nasa dibdib ko sya lagi. 🥲 sa maghapon, karga rin sya 🥲

Ganun nga nag pupumiglas din saakin ayaw niya talaga ng swaddle haha! Gusto niya nakataas kamay niya pag tutulog siya. 🤦🏻‍♀️

VIP Member

try nyo po iswaddle si baby or ibaba nyo po sya sa pagitan ng unan minsan po kasi nagigising sila kasi kala nila iiwan sila

Pag mahimbing na siya tatanggalin ko ang unan?

Trending na Tanong

Related Articles