Need advice po, 8months na akong preggy at Hindi pa ako nagpa prenatal check up,takot ako sa parents

Ano po ba dapat Kong Gawin?

3 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi mommy, ano bang plano mo sa baby mo? Kasi pano mo sya iuuwi pag nailabas mo na sya kung di ka magsasabi sa parents mo? Sakin lang, magsabi ka na sa parents mo kasi for sure wala pa din mga gamit si baby mo. Para matulungan ka nila at masamahan kana din sa checkup. Have your plan B pag di ka nila tinanggap. Nasan ba ang boyfriend mo? Dapat inaassist ka din nya.

Magbasa pa

Sa center ka magpacheck up. Nainom kaba vitamins? Habang di kapa nanganganak. Magsabi kana sa parents mo. Kung bata ka pa at nag aaral, malamang sa umpisa magagalit sila. Pero wala ka nmn magagawa normal un. Importante malaman mo kung okay si baby sa loob at magkaron ka ng support sa delivery mo at ni baby.

Magbasa pa
2y ago

Dapat ipa alam mo na yan sa parents mo bago ka pa manganak, sa una lang yan magagalit pero matatangap din nila yan, di ka na teenager at marami rin naman ang katulad sa case mo. Isipin mo na lang kung ano ang kalagayan ng baby mo if di ka nag preprenatal check up. Saka need mo pa magpalaboratory test at ultrasound. Dapat patulungan ka rin ng bf mo. Ako rin almost 8 months nang buntis at halos magka edad lang tayo pero ipaalam ko na sa magulang ko at nung time na nalaman ko na buntis ako nagpaprenatal check up agad ako. Nabuntis din ako ng nag-aaral pa pero thankful ako at naka graduate na ako ng college last June. Basta sundin mo na lang mga advice dito sayo para naman yan sa iyo at sa baby mo, kaya mo yan.

Medyo maliit lang din Kasi ang tiyan ko kaya Hindi masyado halata, takot na takot po akong magsabi sa parents ko..

2y ago

need po magprenatal or at least magpaultrasound to check the condition of your baby, like presentation niya if cephalic or breech or transverse,