45 Replies
70% alcohol Sa baby ko 5 days Lang tanggal na, naglalagay Lang ako Ng alcohol sa bulak para matantya ko ung dami then mag reready ako Ng Isa pang cotton ball, iaalalay ko ung tuyo na cotton balls sa ilalim na part Ng pusod then ung isang bulak na may alcohol pipisilin ko para matakan sya. After nun, ung bulak din na un ung ipanglilinis ko sa paligid ng pusod. Every after bath un mamsh. Then pag isusuod ko Ang diaper tinutupi ko ung sa taas para di makasama ung pusod. Pag binigkisan Kasi or nabasa ng ihi, mas mananariwa. So air dry Lang dapat..
I also used Betadine for my baby’s umbilical cord kasi sinabi ng pedia namin na it’s really important to disinfect it para maiwasan yung infection, especially since the cord is an open wound. Pero kailangan konting-konti lang yung Betadine na ilalagay. I used a cotton swab para light lang yung application. I stopped using it after the stump dried up. I think it’s important to follow your doctor’s recommendation kasi may mga babies na mas sensitive sa Betadine, so better to be cautious.
Nung bagong panganak si baby, ginamit namin yung Betadine sa pusod niya. Kasi yung pedia namin, pinakita sa amin kung paano gamitan ng Betadine to disinfect the umbilical cord stump. Ang advice ng doctor namin, gamitin siya once or twice a day hanggang matuyo yung pusod. Pero wag sobra, kasi masyadong harsh yung Betadine kung madalas gamitin. Kailangan lang ng konting patak para maiwasan ang infection. Pag natuyo na siya, hinayaan na namin, and hindi na namin ginamit Betadine
Nung newborn pa si baby, I asked our pedia about Betadine for the umbilical cord, and sabi niya okay lang gamitin in moderation, pero huwag masyadong madalas. Kasi nga, Betadine is an antiseptic, and although it’s effective in killing bacteria, medyo harsh siya for delicate skin, lalo na sa pusod. So, konti lang, and if ever may signs of infection like redness or bad odor, that's the time na kailangan ng Betadine. Pero kung normal, minsan tubig lang okay na.
Hello mi! Ako hindi ako gumamit ng kahit ano, kahit betadine para sa pusod ng baby. Pinayuhan kasi ako ng Pedia ni baby na hayaan nalang na kusang matuyo ang kanyang pusod. Extra sensitive kasi ang skin ng newborn ko at baka raw mairita.
For me mas okay ang betadine para sa pusod ng baby. Unang una, hindi ito mahapdi at mabilis makapagpatuyo ng pusod ni baby. At ang kagandahan pa ay antiseptic ito kaya protektado sa infection si baby.
Matatanggal lang sya ng kusa mommy. Make sure na hndi nkatakip sa diaper ang pusod at nkakahinga ito. Everyday linisin nyo po gamit cotton buds with 70% Ethyl Alcohol or with distilled water.
both pwede. 3 x a day ang patak. air dry dapat huwag tatakpan ng diaper, iilalim ang diaper, ibabaw ang pusod. kapag lumalaylay na ang pusod, please, HUWAG PONG HIHILAHIN ang pusod.
70% alcohol.. 2-3x a day ang pag patak sa pusod ni baby make sure na napatakan ung buong pusod niya.. 5days old pa Lang baby ko now and tanggal na ung sa pusod niya..
Yung 70% alcohol mas ok po siya kasi yun din po ang advice ng pedia. Patakan mo na lang every after change ng diaper ni baby or after maligo. Matatanggal din po yan ng kusa.
Christine Molines