10 Replies
naku po. panay po ako sa suka at walang gana kumain. apple lang ang tinatanggap ng tyan ko. kaya nagtyaga din ako sa lugaw at apple lang. kaso kada kain ko suka pa din, umabot sa point na nagsuka ako ng dugo kaya pinag rest talaga ako sa work, ni-refer agad ako ng OB ko sa gastro at pina clear bago ako pinabalik sa work. Hindi ko na rin kinaya mag work lalo at night shift pa. nag resign nalang din ako. didilat palang hilo na ako 🤣
lagi po akong inaantok at pakiramdam ko din sobrang pagod na pagod kao kahit kagising kolang at wala naman ako ginawa maghapon, tapos sinisikmura din ako at pakiramdam ko lagi akong susuka, tapos may times din na nahihilo din. tapos tuwing madaling araw naman nagigising ako tapos ayun na sinisikmura na ako kasi gutom lng pala si baby ilang linggo nako lagi gisng ng madaling araw simula malaman ko na buntis ako 😊
8 weeks po, walang gana kumain ng kanin lalo pag walang kasama or kasabay, patina-tinapay at gatas lang. Araw araw po nakakaramdam ng pagsusuka pero hindi natutuloy, at pagkahilo na parang anytime tutumba ako. I don’t know if normal po yun. Maya’t maya rin inaantok at mabilis din po mapagod. 🥹
Mapait po panlasa ko. Though di naman po frequent ang pag duwal ko. Madali din pong uminit ang ulo ko kaya iniintindi ako ng mga ka work ko. Tulog din po ako most of the time.
9weeks pero Wala akong nararamdaman thanks Kay baby Kasi nkikisama Sya... Minsan inaantok Minsan din medyo Hilo pero Kaya..😊 Kasi nagwowork ako ay kami palang dlawa😅...
nasusuka after kumain, pinipigilan ko lang. mabilis mapagod at antok n antok lagi khit kumpleto ung tulog
Madalas naman po ako sinisikmura. Hindi nakaka ramdam ng pagkahilo, minsan lang ngsuka. Hirap lang po sa pagdumi
bloated plus walang gana din kumain pinipilit ko lang para kay baby
puro ako suka and hilo nung nasa ganyang weeks ako 🥹
ako den sis ilang weeks kaya mawawala tong gantong pakiramdam
laging antok at mabilis mapagod 😄
🤗 sana kahit small and frequent meals lang ganahan ka, pati fruits. eto advise sakin. madali kasi ako mabusog at mabilis din magutom ngayon. thankfully wala akong matinding hilo at pagsusuka so far. nagkamotion sickness nga lang kaya refrain muna ko sa mahabang byahe. God bless, sis. ☺️
Anonymous