73 Replies
Depende po yan kung ano ang magiging "basehan" mo sa pagpili ng magandang feeding bottle. ☺ kung gusto mo yung anticolic the best jan ang Dr Brown's, latest variant nila yung options+ made in USA yan. Patented ang venting system nyan 👍 Kung ang gusto mo naman po e ung closest sa nipple ng isang ina pigeon bottle with peristaltic plus na nipple ang isa-suggest ko. Ang pigeon ay produkto ng Japan ung nipple ng pigeon maganda talaga, nacompare ko na yan sa avent natural, mas malambot ang gamit ng pigeon iwas talaga sa nipple confusion. At isa pa, Pigeon po ang gumagawa ng nipples ng avent 🤫 Ok din po ang tommee tippee, contender din po yan pero may issue yan na lumulubog ung nipple accdg sa reviews. Kung ang gusto mo naman po yung "quality" ng bote, hindi nangangamoy, at matibay. Piliin mo ung PPSU bottle, tatlong brand lang ang alam kong may PPSU bottle, Pigeon, Hegen at Simba. Karamihan po kasi sa mga brand gaya ng avent na sikat e PP bottle ang gamit although bpa free sya hndi naman nakalagay na bps free. Common ang PP yan mismo ang gnagamit sa mga food grade na plastic na gamit sa bahay kahit tgnan nyo pa po sa halos lahat ng brand ng feeding bottle, avent, farlin, pur, etc gawa sa PP yan. Hndi matibay yan sa ibat ibang sterilization method kung mapapansin nyo ung mga bote, lumalabo ang itsura nagiging cloudy - yan ay dahil nagdedegrade sila kasi hndi masyadong mataas ang heat resistance. Kaya sinasuggest na palitan lagi ang mga bote wag ng patagalin ng 4 mos as much as possible. Isearch nyo po kung gaano kaganda at katibay ang PPSU bottle ☺ sa akin po since i use UV sterilization ng ecomom, ang feeding bottle ng baby ko e pigeon ppsu, pigeon glass, at simba meron din akong dr browns. Kaya warning na din ito sa mga momies na bumili ng uv sterilizer ang dami kong nakita sa shopee at lazada na bumili ng murang uv sterilizer pls pls pls be sure na ang feeding bottle nyo e hndi comotomo na gawa sa silicone at hndi PP. Kawawa ang baby mo pag uv sterilizer ang gamit mo pero ang bote ay gawa sa PP. Pag dating po sa sterilization kung ang gamit nyo po e ung common PP bottle lang, safest method po ang steam sterilization may research na po about jan. Regarding sa comotomo bottles, ok naman un madaling hugasan, pwedeng iboil, malambot din ang nipple. 😊
Tommy tippee user here. Di ako sure kase di pa naman ako nakagamit ng avent pero yung mga pamangkin ko lahat sila avent. Okay din naman si TT may anti colic and closer to nature bottle(may butas yung tsupon labasan ng hangin para di kabagan) medyo mataba nga lang ata ang bottle ni TT compare to Avent pero tingin ko naman both okay sila. Do not buy ng marami, itry mo muna si baby kung dededein nya.
Bote ng anak ko avent pegeon nuk at dr. Browns hihi.. Pina try namin sa kanya lahat kaya hnd sya maarte sa Nipple.. Pag wala kau steriliser wag nyo ipapakulo sa tubig ung bote.. Ang gawin nyo kumuha kau ng container na na my takip at kasya lahat ng bote ni baby magpakulo ng tubig at ibuhos sa bote takpan para di agad sumingaw ung init..
May nabasa ako about dyan di ko na masyadong tanda bawal daw talaga directlu pakuluan dahil plastic yung mga feeding bottles. May mga chemicals daw na pwede malanghap ni baby (not sure na sa exact na sinabi) di ko din pinapakuluan ang mga bote ni baby, binubuhusan ko lang tubig na mainit
Both okay. avent gamit ko sa panganay ko then now we are using tommee tippee sa bunso ko ok naman ang quality ng tommee tippee mas sikat lang talaga ang avent kaya marami bumibili pero same quality lang sila
Di po namin natry yung tommee tiopee pero i suggest pigeon or avent ... if want ni baby natural flow avent po if want ni baby na like sa nipple nating mga mamsh pigeon po
Avent for me, been using it since newborn si baby till now na 7mos na nia. So far ok naman sia kahit medyo pricey Maganda naman ang quality nia all in all.
I think AVENT po kc un ung bottle ng baby ko... Pero wala nmn po sa bottle yan nasa gatas po yan and bsta tama ang paghuhugas atnlaging iniisteralized
Hegen bottles Mommy. Aside from unique sya and super cute madali syang hugasan tsaka madaling matanggal yung amoy ng milk sa bottle tsaka sa nipple.
Avent po, di madaling masira pag enesterilize or pinapakuluan sa init na tubig.
Haven't tried tommee tipee but we're using Avent, okay siya. :)
Jane C. Olar