Issue sa magulang o biyenan
Hello. Ano mararamdaman niyo kung malaman niyong pinakialaman ng nanay niyo ang gamit ng asawa niyo. Nagsumbong kasi sakin tong asawa ko. Nakabulatlat na daw mga laman ng bag niya at nakabukas na lahat ng pocket ng bag maski yung maliit na pocket sa loob. Mga paperbag na naglalaman ng pt ko ay nahalungkat rin. Mga anak ko ay tinanong ko. Sabi nila di sila nakialam ng bag. Alam ko yun dahil di sila marunong makialam ng gamit ng may gamit. May history na rin kasi ako sa nanay ko pinakialaman yung wallet ko sa cabinet. Tinignan niya yung laman. Gulat ako nung nasabi niyang 10k pera ko. Naiinis asawa ko gusto na niyang palayasin nanay ko. Wala na daw kasing respeto samin. Mapagmando at pakialamera pagdating sa pagdidisplina sa mga anak ko. Pati pera namin mag asawa ay pinanghihimasukan na rin to the point na inuusisa ang pagbili namin ng mga bagay para sa sarili namin. Natatakot ako baka dumating yung time patulan na siya ng asawa ko dahil sa ugali niya samantala siya ang nakikitira sa amin. Sino nakakarelate sa akin?