Ano mainly ang nagiging cause ng stress niyo sa araw-araw?
Mil. Hindi sya nauubusan ng sinasabi kapag wala yung asawa ko. At my age, porket bata pa ko akala nya di ko kayang maging nanay sa anak ko. Humihina tuloy ang gatas ko.
Yung araw araw na uulamin, yung pagiging makalat ni hubby kakalinis ko lang at kakaligpit ko lang hala sige gulo na naman ng damitan.. para akong may batang kasama.
Magstay sa Bahay dahil nag reready sa panganganak at mejo nakakainip. Mukang dadagdag pa dahil ayaw nako pag trabahuhin ng lip ko at gusto mag home based ako :(
Pag sasakit po ang tiyan ko nakaka'paranoid tapos sabayan pa ng di paggalaw ni baby sa loob haha pero okay naman. May pampakapit din po at bedrest naman ako.
Usually, kapag nasshort sa budget lalo kapag may baby na. Hirap lalo din kung first time parent ka. Pero pasasaan bat makakaraos din naman. :)
Work from home mom ako. Stressed ako sa work at the same time nadadagdagan pa kapag iyak ng iyak ang anak ko habang may importanteng task ako sa work.
if you don't mind po ano pong work nyo from home.kasi ako din gusto ko sana work at homr ako para tutok kay lo
Kapag iyak ng iyak yung anak ko na hindi mo maintindihan kung anong gusto nya. Nagawa mo na ang lahat pero hindi pa din tumitigil sa kakaiyak.
Taking care of a newborn (12 days old), a toddler (2yrs.old), 3 adult dogs + 1 puppy, and a handful of household chores na lahat pending. 😂
Yung walang choice kundi mag stay at home nalang dahil malapit na manganak at wala ka na sariling pera dahil need ko mag stop sa work 😔
Pag ayaw tumigil kaka iyak si LO ko tapos na check ko na kung gutom ba sya basa diaper nya or kung my kabag ba sya.at ung asawa ko 😔
Mom of 1 fun loving prince