Physically and Emotionally Exhausted 😒

Ano ginagawa nyo mommies kapag nabuburn out kayo? Sobrang naburn out ako sa daily routine ko. Paulit-ulit. Nakakapagod. Huwag nyo po sana ako husgahan 😭😭 #advicepls #firstbaby

22 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

post partum depression signs din po yan.. laban lang mamshie.. di tayo pwede sumuko. kasi may baby na nangangailangan ng pag aalaga natin. ako pag nararamdaman ko yan minsan talaga naiiyak na ko at medyo naiinis kay baby pag sobrang tagal ko na sya hinehele tas di pa rin makatulog.. or yung tipong kakalapag mo lang wala pang 10 mins gising na ulit.. nakakastress talaga kasi di mo magawa dapat mong gawin. Ask help sa partner/hubby mo. sabihin mo sa knya na kailangan mo din magpahinga kahit konte. ako kumakain ako nang malala buti na kang di ako tumataba ng sobra talaga. tapos nagrerelax ako sa panonood ng vlogs na nakakaaliw. basta isipin mo lang lagi bawal ka mapagod kasi need ka ng baby.. wala tayong magagawa kundi yakapin ang araw araw na routine kasi yun yung sacrifice natin bilang mother. iikot sa luto laba linis alaga ng baby etc.. ang mga gawain natin. tapos isa pa sa nakakatukong sakin nakikipag usap ako sa mga beshie ko via chat or video call. para malessen yung stress sa knila ako nag oopen up mnsan.

Magbasa pa
Related Articles