.
ano dapat gawin pag lungad ng lungad si baby 1month palang siya
Hello mommy normal lang po sa baby ang mag lungad after dumede ipa burp lang po and wag po masyado tagtagin si baby, and para sa safety po ni baby itagilid po sya everytime na lulungad para hindi po mapunta sa lungs nya dahil delikado po iyon, ☺️
wala naman kinalaman ang pagburp sa lungad ni baby. ang burp ay para sa hangin para di kabagin si baby. ang lungad normal na talaga yan even if napaburb si baby. may mga ganyan talagang baby, eventually maaoutgrow din nila yan. paside mo lang mamsh if naburp siya.
burp after dede , dati nung 3days palang sakin baby ko natakot ako e , kasi sumuka sya as in suka , bulwak talaga gatas e , kaya after nun , pagkatapos nya dumede burp. or pag nagising sya kahit antok na antok ako bubuhatin ko sya maiburp lang
Normal lang yan mamsh. Kahit ipaburp mo lulungad pa din sila. Basta pag lulungad si baby ipatagilid lang po and wag na wag ipapatayo or hahayaang nakahiga lang kasi pwede pong pumunta sa baga nya yun.
Make sure lang to burp baby every after feed. Kahit pa konti lang nadede, try to burp the baby 😊 also when feeding the baby, make sure na hindi flat ang back ni baby. medyo itilt.
Breastfeed po ba? Burp mo lang momshie, if ebf si lo mo d nmn sya overfeed normal lang yan ganyn din si lo ko hangang 2mos. Lungad sya ng lungad pero ngayong 3mos. na sya hindi na
Mommy sobra pagpapadede mo saka papadighayin mo lagi si baby..wag kakalungin na yuyugyugin kasi naaalog sya kaya naisusuka nya..wag din ipitin ang tyan.
sb skin ob ko every 1 oz paburp c baby tapos wag iipitin un tyan. mnsan d dn nmn mppgilan lalo pag naglilikot c baby after mgdede, tlgang llungad yan.
pa burp mo lang po sis baka kase naooverfeed sya normal naman din yang paglulungad basta pakonti konti lang
Lagi pong padighayin si baby, wag pilitin si baby kung ayaw na dumede. Wag sya alugin o harutin pagkatapos dumede