AYAW PALAPAG

Ano bang pwedeng gawin sa baby na ayaw magpalapag? Wala s'yang sakit o nararamdaman, basta kapag nilapag ko sya alam na alam nya. Napupuyat na ko ? Maghapon at magdamagang kargahan. Buti na lang kahit papaano kapalitan ko asawa ko sa pagbubuhat. #1weekoldBaby

46 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Gnian din kami mommy dito.. Pero so far may nttry ako ngayon.. Pag tulog sia, every 2.5 hours to 3 hours, gngising konti at pinapadede namin sia sa bottle.. Hindi n nmin hinihintay na magising pa nng tuluyan at iiyak.. If ever nangyari na nagising sia nng tuluyan and iiyak, or kelangan palitan ng diaper (no choice kungdi magising tlg), after ipadede sa bottle, ilalaoag namin sa kama ang tatabi ako para ipadede sa breast ko hanggang sa makatulog ulit sa pagdedede Last, if ever di prin nakktulog, pinaoa-exercise ko sia konti, pinapa-tummy time ko sia hanggang sa magreklamo na sia and iiyak, then padede sa breast ko ulit hanggang sa makatulog.. If or else failed.. Itapon kay hubby ang pagpapatulog kay baby.. Alam mo nmn bawal ka mastress hahahha si hubby ang mgpapastress muna 🤣🤣

Magbasa pa

Nag aadjust pa sya gsto nya pa ng body heat.. warm ksi sa loob ng tyan mo mommy... ilang buwan klng naman magbbuhat tyagain mo nlng.. ilang buwan nlng gagapang na yan. 😊 Ganyan dn baby ko sa umaga, pero sa gabi pag patay ang ilaw ntutulog na sya mag isa. Alam nya na un na pag patay ilaw, gabi na at wla na buhatan. Ggising nlng pag dede,pagkaburp ibaba ko na sya tas magsleep na sya mag isa. Turuan mo na sya ng routine pra alam nya difference ng umaga sa gabi. 1mo plang baby ko.

Magbasa pa
VIP Member

1 week palang naman baka nasa growth spurt pa siya. Yung baby ko naging ganyan din pero ngayun mag 2 months siya hindi na. Nilalapag ko sa crib, pag iiyak kakargahin ko tapos pag kumalma or nakatulog binabalik ko uli. Pick up put down method tawag. Nakakapagod sa una pero worth it. Within a day lang nasanay na siya sa crib. Papabuhat na lang pag gutom or di talaga makatulog. Nakakatulong din yung crib mobile.

Magbasa pa
5y ago

Puyatan talaga sa 1st few weeks hehe

Ganyan tlaga sis nag-aadjust pa po kasi siya dito sa outside world, nasanay siya sa init sa loob ng womb. Magbabago din po yan. Tiyagain niyo nlang hangga't di pa nagbabago. Kelangan pa niyan ng init ng katawan natin. Or tyagain nyo din po hanapin yung pwesto kung san siya komportable.

Saglit lang ganyan si baby mga 2mos, tapos nun mahaba na sleep nila ☺️.. Naninibago po kasi sila sa environment may halong takot sila kasi sanay sila sa womb natin tapos biglang wala na sila don, kaya need nila yakap and warmth ng mommy, they feel secured and loved☺️

buti nlng c baby q simula pinanganak q hndi xa mahilig magpabuhat.. lgi lng xa tulog s higaan.. iingit lng pg nahingi ng dede tpos nun paburf q lng xa 2log n ulit.. gising lng pg palitan q diaper at magdede,, formula fed xa.. 11days old n xa ngayon

ganyan talaga sila. hindi sa ayaw nila palapag. mas comfortable sila sa body temperature mo. warm kasi gusto ng mga baby. tyagain mo lang tutal 1week pa lang naman. to establish bonding na din between you and your baby. mababago din yan.

Wala po kayo baby rocker po? Useful po yun sakin. Kaya hanggang ngayon po, di makarga baby ko po. Bawal pa po kasi ganyang age sa duyan po. Gumamit po ako ng duyan 3mos po si bb.

yes duyan po, try mo. sa akin nhirpn nmn ako mgpatulog ehh ksi kinakrga habng nadede din nktulog kpg ilapag q nmn ngigising, tinatapik q nlg sa paa hanggng xa mkatulog. . .

Try mo lagyan ng used na damit mo yung unan... Old wives tales, na try ko din sa anak ko.. or pag nilapag mo ibahin mo pwesto nya like patagilid then tapik tapikin mo..