Dear Baby...

Ano ang pangako mo sa baby mo? I promise: _______________.

Dear Baby...
147 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

my baby amirah sorry hindi ko na maipaparamdam sau kung gaano kita kamahal baby, di ko na maipaparamdam sau ang pg aalaga ko.,di ba anak sabi ko sau nung 1st day plng natin sa ospital na kahit saan tau makarating aalagaan kita di kita pababayaan.,kaya lng siguro talagang di mo na kaya kya bumitaw kn...ok lng anak naiintindihan ni mama....no more pain na😭cgro nga tama cla na pahiram ka lng sa amin...thank u dahil sa sandaling nakasama ka namin naging makulay at sumaya ang mundo namin sau...i love u anak...miss na miss na kita....pangako sa magiging ading natin ngaun, ko ibubuhos ang pagmamahal at pg aalaga na hndi ko naiparamdam sau gawa ng iyong pagkawala.,..at sana iguide mo kami nila papa at kua xander san ka man naroon...hanggang sa pgkikita natin muli😘😘i love u

Magbasa pa

promise ko sayo baby ko nandito lang si mama palagi sa tabi mo kahit anong mangyari Mahal na mahal kita, mahal na mahal ka namin ni Papa mo! Ikaw Ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko sa lahat ng nangyari sa buhay ko Ikaw Ang pinakamagandang TAMA! ❤️ Nagpapasalamat ako sa Lord kasi Akala ko Hindi na ako mabibiyayaan ng Anak kasi nga komplikado pero talaga Naman ibinigay ka sa Amin ni Lord. 🙏👶 malapit ka ng mag 1years old lahat po gagawin namin para sayo walang Hindi kakayanin 🙏❤️ Lumaki ka sanang mabuting bata at magalang, mapagmahal sa kapwa at may takot sa diyos. I love you my Rainbow ❤️

Magbasa pa

Para sa aming panganay at saiyo baby star, hindi ako mangangako mga anak pero gagawin ko ang lahat para maibigay sainyo ang lahat ng pagmamahal,pag aalaga at pag gabay hanggang saaking pag tanda. Hinding hindi ko kayo pababayaan ng kuya mo at gagawin ko ang lahat ng aking makakaya ng sagayon ay maging maganda ang inyong pamumuhay kapag kailangan na naming bumalik ni daddy niyo sa Diyos na lumikha. Hindi madali anak pero kakayanin ko at namin ni daddy niyo ang lahat para sainyo. Mahal na mahal ka namin kayo. See you soon baby star, excited na kaming makita ka lalo na ang iyong kuya❤️

Magbasa pa

wala akong popromise anak pero gagawin ko lahat.. alam mo naman na di pa ako ready alam ko ramdam mo un lalo na marami akong resentments pero excited ako makita at makasama ka baby.. marami man akong magiging pagkukulang in the future but I hope na maintindihan mo yun.. please don't give up on me kasi I will never give up on you.. ikaw na lang ang bumubuhay sa akin ngaun para manatili akong strong at lalaban pa.. malapit ka ng lumabas kaya wish ko sana healthy ka 😘♥️.. I love you anak see you soon 😘♥️♥️♥️

Magbasa pa

Pangako ko sayo Bby ko.. Hinding hindi ko hahayaan maranasan mo mga paghihirap, di ako papayag na may manakita sayo. Mamahalin kita at aalagaan panghabang buhay. Ikaw ang forever ko mahal ko! 🤍 Ako Hinding Hindi ko hahayaan madamay ka sa pagging iresponsable ng Ama mo saken. Lahat ng makakabuti para sayo gagawin ko.. Kahit ang paglayo sa kanila.. Kung un ang makakabuti gagawin ko. iloveyou bby kong mahal. Loobin nawa mg may kapal n makaraos tayo this September ng Ligtas. 🙏 Cant wait to see you and Hug you.

Magbasa pa

Promise ko sa sayo nak na mamahalin kita sya habang buhay, ibibigay ko lahat ng makakaya ko para sa sayo. hinding hindi ko kita pa palakihin sa way ng pag papalaki sakin ng magulang ko na nag dulot sakin ng sobrang kalungkutan mula bata hanggang ngayon. okay lang kung sasagut sagutin mo ako pag tanda mo. prmise ko sayo na sabay sabay tayong pamilya sa lahat. susuportahan kita na hindi nagawa ng magulang ko. aalagaan, gusto ko enjoyin mo yung buhay mo. ayaw kong matulad ka sakin na parang nakakulong sa lungkot

Magbasa pa
TapFluencer

i will promise na gagawin ang lahat ni mama kahit mahirapan sya basta sayo. Lumaki ka sanang may takot sa dyos, magalang, masunurin sana ilayo ka ni lord sa mga sakit lalaki kang healthy at malayo sa disgrasya. Lagi mong tandaan na simula palang nung nasa tummy ka ni mama walang ibang hiniling si mama kundi ang kabutihan mo paglaki mo. MAHAL NA MAHAL KA NI MAMA ANAK, IKAW AT AKO LANG FOREVER ❤️ Ikaw ang lakas ni mama 💪😘 ILOVEYOU PALAGI GIO "ALAS" ❤️🥰

Magbasa pa

Maipapangako lang sayo ni Mimi ? Yung mabigyan ka ng magandang buhay, pero sa ngayon hindi ko pa maibigay sayo yung mga materyal na bagay pero habang hindi pa pupunuin kita ng pagmamahal at pag-aaruga. Lahat ng pangarap ko tutuparin ko para sayo kahit hindi na yung mga pangarap ko para sa sarili ko. Ikaw ang lakas at kahinaan ko sa araw-araw at ikaw ang magsisilbing inspirasyon ko sa buhay para matupad ko lahat para sayo. Mahal na mahal kita, anak ko 💕✨

Magbasa pa

🤰Pangako ko sayo bby iingatan kita at pakamamahalin habang akoy nabubuhay ggawin ko ang Lahat ng makakaya ko pra sa iyo at sa mga 3 ate mo.. Ayoko na mapag daanan nyo ang hindi Magandang pngyayari sa akin yun d ko namulatan ang mga tunay kong mgulang ni hindi nkatikim ng pagmmahal mula s knila Kht gaano kabigat at hirap hindi ko ipapahintulot na matulad kayo s kin ng sanggol pa lng ay ibinenta ako Mahal na mahal ko kayo 😥

Magbasa pa

kahit sobrang hirap ng situation natin ngayon anak.kumapit k lang ha. kasi gagawin lahat ni mama at papa para sayo. mahal n mahal ka namin. ikaw lang pinaghahawakan namin ngayon para di bumitaw sa lahat ng problema. di namn natin laging makakasama si papa dahil aayusin p nia lahat ng problema.tandaan mo mahal n mahal k niya. dumating k sa panahon n susuko na kami. isa kang blessing saamin

Magbasa pa