SOBRANG IYAKIN

Ano ang madaling nakakapagpaiyak sa inyo?🤔 26 Weeks pregnant na po ako at na pansin ko lang kasi na napapadalas ang pag iyak ko kahit sa maliliit lang na rason. Yung iyak na akala mo aping api talaga ako anlakas ko pa suminok. Kahit joke lang minsan at pang aasar ni Hubby sobrang nagagalit ako agad at umiiyak. Noong di pa ako buntis di naman ako ganito. Kagabi umiyak na namn ako tapos na galit yung Mama ni Hubby dahil magkaka anak na raw kami parang ang immature ko pa rin ang liit2 lang na bagay ngaw ngaw na ako agad.😑 Normal lang po ba yon?

SOBRANG IYAKIN
22 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

same po tayo mamsh, mapagalitan lang ako ni hubby khit kasalanan ko naman e naiiyak na tlga ako. prng bumabaw po ung luha ko

5y ago

same tayo mamsh, madalas nag iisip ako tpos iyak hahaha pero di nmn po lagi pag may time lng na di kami nagppansinan ni hubby, buti nga po naiintindihan nya ko