SURVEY LANG TAYO

Ano ang laging pinag aawayan nang mag-asawa?

66 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

•Kapag gumagawa ako sa bahay ayoko ng pinapakialaman. Yung didiktahan ka dapat ganito ganon ang gawin mo. Kaya sinasagot ko na may sarili akong diskarte sa paglilinis at pag-aayos ng bahay. •Pag-aalaga kay baby, oo naka-ML pa ako kasi wala pa namang pasukan kaya nakabakasyon pa, pero hindi man lang nya magawang kunin si baby. •Kapag may iniuutos ako hindi nya agad sinusunod, tapos tsaka lang kikilos pag nagalit na ako. Napakaimmature. •Yung buti pa sya nagmemerienda na hindi man lang nya itanong kung nagugutom ba ako. To think na EBF pa si LO ko sa akin. •Yung bili nang bili para sa sarili nya hindi man lang tanungin kung may gusto akong bilhin para sa sarili ko. Kung tutuusin nga ako yung nagtratrabaho sa aming dalawa. Minsan may nakita akong relo nagustuhan ko, sinabihan ko sya na bibilhin ko ang sabi nya ako nalang titingin. Eh yung mga pinipili nya hindi ko naman gusto. Ending sinabihan ko na sya nalang bumili tutal sya naman pumipili. •Yung gusto nya sabay ako palagi sa uso, eh hindi ako sanay sa mga luho. Yung kapag may bagong damit na nakikita nya sa tv gusto nya ganon din suotin ko. •Yung gusto nya gayahin ko daw yung ate nya na lging naka-make up. Ang sabi ko kapag nanay kana hindi na kailangan na mag-make up kapag nasa bahay. Kapag lalabas oo pwedeng mag-make up. •Yung sobrang luho nya. •AT madami pang iba. Hahaha LOL parang naging rant ko na ito tuloy 😝😝😝

Magbasa pa
5y ago

At least nakakagaan nang pakiramdam hehe. Nakakagigil din naman kasing talaga sis 😁

*Yung gumagawa sya ng desisyon na sarili nya lang at sya na mismo nakapagfinalize ng hnd nya ko tinatanong kung okay lang ba saken yon. *paglalaro nya ng ml na halos maghapon ayun dn yung pampatulog nya tapos pag may gusto ko kainin o may iuutos unahin nya pa ml nya *yung bumili sya ng bagong cp worth 13k kahit na ecq at 4 months ng walang hulog yung motor namin inuna nya pa yung luho kesa sa importanteng bagay kaya nung nalaman ko yun sumama loob ko d ako makahinga muntik na ko dalin sa ospital * pangangatwiran na wala naman sense at mali tingin nya kasi palagi syang tama at tuwid yung punto nya pati magulang nya minsan nagagalit sa kanya dahil sa katwiran nya *pera -dahil gusto namin magbusiness nghanap ako ng paraan supplier ng bote para sa dishwashing liquid sana kaso pinagtalunan namin ang gusto nya bigyan dn namin ng supply yung kapatid nya na gusto dn mag benta , sya at ako ang nakahanap nung supplier samalantalang nasa bahay lang yung kapatid nya at walang ginagwang paraan para magbusiness kumbaga magkakaroon sya ng instant business dahil samin ayun yung gusto mangyari ng partner ko, d ako nagdadamot pero alam kong mas kailangan namin ng pera kasi manganganak ako at yung kapatid nya stable ang buhay kame walang trabaho dahil ecq

Magbasa pa

Kami hindi kami masyado nag aaway, Siguro kasi naka bukod kami . Hindi din ako maaway away ng mister ko kasi isip bata ako 😂 pag may hindi ako nagustohan na ginawa nya tatahimik lang ako at iiyak, siya naman yayakapin ako agad at mag sosorry kahit hindi nya alam kinakagalit ko tas bibilhan nalang ako ng pagkain para gumaan ang loob ko 😂 wala naman siya kinakagalit sakin kasi pag uwi nya galing trabaho, nakapagluto na ako ng kakainin namin, Minsan kahit nag Mo-mobile legend siya kapag sinabi kong gusto ko magpalambing mag aafk nalang siya para yakapin ako 😊 Ako lage prioridad nya kaya wala kami masyado pinagaawayan . PS. 4 years na kami. 22 yrs old palang ako, 25 na siya.

Magbasa pa
5y ago

Ganon sana! ❤

Pag ayaw nya pakinggan ung point ko na tama naman talaga. Tapos palagi pinapairal ka negahan sa bagaya bagay, eh ako optimist ako kaya bwisit na bwisit ako pag mangangatwiran baluktot. 😂 Yung tatanungin mo ano gsto nya ulam ngayon kasi, mnsan wala ako sa mood wala ko maisip, tpos sasabihin kahit ano daw, tapos hal]mbawa nag luto ako adobong sitaw nalang, pag nakahain na hahanap pa ibang ulam abnormal. Then ung iba wala ng kwentang bagay, mahilig kami mag debate ng kung ano ano lang. 😂 nauuwi sa away 😂😂😂 kahit mga balita sa tv nag dedebate kami 😂😂😂😂😂

Magbasa pa
TapFluencer

Yung way nag oag lilinis kom montanga db. Ako pa? Nurse graduate naman ako. So alam ko ung kalinisan. Hahaha mga simpleng bagay. Gaya ng nag huhugas na ko ng mga plato. Bat daw d ko muna punasan yung lamesa pra daw d ako pabalik balik. Akin lang, wag mo na ko pakielamanan. Ako rin naman mag lilinis d nmn ikaw. E kung gusto mo mapadali edi ikaw mag punas ng lamesa.. hahahha montanga yan mga ganyan pinag aawayan namin.

Magbasa pa

Yung madalas niyang pagbihis at pagkuha nang damit sa cabinet. Lagi kong tinuturo sakanya kung paano yung proper na oagkuha nang damit pero everytime magulo mga damitan niya tapos sa isang araw nakaka tatlong beses ata siyang palit nang damit hahahahahaha tas sasabihin niyang "kaya nga kita pinakasalan" lols

Magbasa pa

Pag-inom ng alak. Ang nakakainis pa minsan promotor pa yung tatay at kapatid niya. Hindi man lang sila makaramdam na maraming ginagawa sa bahay. Tapos ako pa masasabihan ng nanay sa chat na, "intindihin na lang" "baka may masabi sila sayo kapag pinigilan mo" juskooo akala ata madali lang din mag alaga ng bata.

Magbasa pa
5y ago

Sana sinabi mo sa byanan mo na sigr ma, alagaan mo tong apo mo. Jojoin ako sa kanila. Hahahhaa

VIP Member

Pag nag ooverspend at mga desisyon sa bahay, di naman totally away pero may diskusyunan. 😅 hahaha. Wala naman kami masyado pinagaawayan ni hubby. Since 2007 kami na so kabisado narin namin isa't isa and lagi naman nadadaan sa mahinahon na usapan. 😊

Allotment para sa parents niya. Hiwalay kasi kaya malaki mawawala sa amin. Though unti-unti namang binago ni hubby yung allotment. From 10k bothsides, ngayon 4k nalang since may baby na kami at sasakyan na hinuhulugan.

BARKADA! Mas importante ang barkada kesa sa family. Naalala ko yung family gathering (sa side pa niya yon), wala siya. In-laws and ako ang nandoon. Ano ako proxy niya? Lols 😂