Funniest memory mo nung bata pa kayo?
Ang sakin yung sabi ko maglalayas na ako kasi pinapatigil na nila ako dumede tapos niloloko nila ako na ako yung 8th dwarf (sa snowhite) dahil daw sa pagdede ko sa bottle. Kaya sabi ko lalayas na ako nag empake ako ng damit ko at mga dede ko sa backpack ko na maliit habang umiiyak sa may gate namin. Tapos nagtatawanan mga parents ko at mga tito at tita sabay sabi na o bigyan na yan ng pamasahe. Grabe yung iyak ko nun hahaha mga 5 yrs old lang yata ako nun hahaha