Ako lang ba o marami tayo?

Ang lala ng pagsusuka at duwal stage ko. Nasa 1st trimester pa lang ako pero parang gusto ko na sumuko. Every time kakain ako, naduduwal ako. Worse, sinusuka ko yung kinakain ko. Natatakot ako kasi parang halos walang nakukuhang nutrisyon tong baby ko sa tiyan kasi di ako makakain nang maayos. Ako lang ba ganito or marami tayo? Ano ginagawa niyo para ma-lessen yung pagduduwal at pagsusuka niyo? #askmommies #firsttimemom

24 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

nakatulong saken talaga dyan is, wag magpapagutom or wag magpapaabot na gutom na gutom na. acidic kasi ako before so alam ko ung parang umaangat e acid lang. mula 1st hanggang now na nasa gitna nako ng 2nd trimester ang naisuka ko palang na may laman o ung may pagkain is 2x. the rest e puro acid na. 2nd, tubig. maraming tubig para maregulate ung tyan. 3rd and last, candy. madalas ako nun bumili ng maasim na candy. chewable mga ganyan. alam mo ung kiosks sa ayala malls na nagbebenta ng candies, dun ako nakakabili ng maaasim. literal na matagal ulit bago ako sikmurain or maduwal. ps. sa amoy ng balut or any street food ako naduduwal dati. okay okay naman na ngayon. pps. better check with OB, now na nasa 2nd trimester na ako, chinecheck din pala nila yan kasi kung sobrang dalas baka hyperacidity naman and di lang basta simptomas ng pagbubuntis. tyan mo naman daw masisira.

Magbasa pa