Ako lang ba o marami tayo?
Ang lala ng pagsusuka at duwal stage ko. Nasa 1st trimester pa lang ako pero parang gusto ko na sumuko. Every time kakain ako, naduduwal ako. Worse, sinusuka ko yung kinakain ko. Natatakot ako kasi parang halos walang nakukuhang nutrisyon tong baby ko sa tiyan kasi di ako makakain nang maayos. Ako lang ba ganito or marami tayo? Ano ginagawa niyo para ma-lessen yung pagduduwal at pagsusuka niyo? #askmommies #firsttimemom

konting tiis mommy. ganyan din ako kakasuka ko may dugo na sumasama kasi may sugat na yung lalamunan ko π more on tinapay lang nakakain ko, tapos sabaw sabaw lang. basta always take your prenatal med. makakalampas ka din sa ganyan stage π
Mommy tiisin mo lang and wag mo na ulit sasabihin na gusto mo ng sumuko ahh, baka kasi marinig ka ni baby. Ganyan ako sa 1st baby ko, sabi ko di ko na kaya ayoko na, at ayun sadly iniwan ako ni baby during my 11weeks of pregnancy
same ako din yung pagkakatapos ko kumain tas inom ng vits mga ilang minuto nasusuka kona agad ang lala talaga nanginginig na nga katawan ko kakasuka eh maski tubig ganon din 12weeks na ako π’
Kaya natin to, mii. Para sa baby natin. π₯Ί
ganyan din ako ngayon normal lang yan. ang ginagawa ko kakain ako ng konting kanin tapos mag candy na lang ako after, tapos pag na gutom ako biscuit na lang, hirap talaga pag first trimester.
Ang hirap, mii. Di ko expect ganito pala kahirap magbuntis, lalo first time ko lang din magbuntis.
its normal po sa 1st tri. Try mo po kumain konti konti lng po. pero kada oras. subukan mo rin kausapin c bb na kailangan nyo ng nutrients. nakakaintindi naman po claπ
Thank you, mii. Akala ko mapili lang talaga ako ngayon sa pagkain, normal naman pala. Kinabahan pa ako kasi tuwing kakain, susuka or naduduwal. And legit pala talaga yung need mo siya kausapin para di kayo mahirapan pareho. π₯Ί
ok mam Hindi ko alam kung ilang moths na po cya eh,Kasi nong September na regla Ako tapos spotting lng cya ,tapos ganina nag pt Ako Yun lumabas.
ang nireseta skim ng ob ko pag ganyan ay vitamin B 1tab a day morning and Aluminum Magnesium 3x a day for 5days itatake after 1hour kumain
ako po kasi may reseta try nyo nlng po cguro since vitamins naman po yung B.complex then almuminum magnesium is antacid naman po
Same sa 3 kids ko ganyan ako. Pero pag second trimester na bawi talaga sa kain kase hindi na nag susuka at nahihiloβΊοΈ
ganyan dn ako mi, namayat nga ako dahil hndi makakain dahil suka dn ng suka . hoping na kapag 2nd tri na eh ma lessen na
Kaya natin to, mii. Para sa baby natin. π₯Ί
Skyflakes and water mii yan nkasurvive saken ng first trimester. Tapos puro sabaw lng ng nilaga ulam ko.





Soon to be a mommy. π€