24 Replies

nakatulong saken talaga dyan is, wag magpapagutom or wag magpapaabot na gutom na gutom na. acidic kasi ako before so alam ko ung parang umaangat e acid lang. mula 1st hanggang now na nasa gitna nako ng 2nd trimester ang naisuka ko palang na may laman o ung may pagkain is 2x. the rest e puro acid na. 2nd, tubig. maraming tubig para maregulate ung tyan. 3rd and last, candy. madalas ako nun bumili ng maasim na candy. chewable mga ganyan. alam mo ung kiosks sa ayala malls na nagbebenta ng candies, dun ako nakakabili ng maaasim. literal na matagal ulit bago ako sikmurain or maduwal. ps. sa amoy ng balut or any street food ako naduduwal dati. okay okay naman na ngayon. pps. better check with OB, now na nasa 2nd trimester na ako, chinecheck din pala nila yan kasi kung sobrang dalas baka hyperacidity naman and di lang basta simptomas ng pagbubuntis. tyan mo naman daw masisira.

advice Po totoo po bha lagi Ang pt nag pt po ako dlwang beses tpos positive Po dna rin Po ako neregla 2months napo nakkaranas po din ako ng sentomas pero lagi Po Akong wlang GANA kumain pag kakain naman Po mag susuka lang Po ako lagi din po mabgat pakiramdam ko nakapag tataka lang Po ihh nag karoon po ako ng 2 in a halft live in pero dpo ako nabuntis kya nag dicide ako makipag hiwalay tpos 9months Po bagu ako nagalaw pero one day meet lang Po posibilidad Poba na buntis po ba ako o Mali Po Yung pt dpapo ako nag pa check up nahhiya po ako tpos Po medyu kalayuan Ang hospital samin tanung kolang Po if possible Po ba na buntis po ako tlga

kung naka-ilang pt ka na po tapos puro positive, then buntis ka nga po. recommended po na magpa-check agad para malaman mo if buntis ba talaga or baka may problema na. mas maigi po na dumiretso ka na po ng ospital para ma-check ka. isantabi mo po muna yung hiya, mas mahalaga po ang kapakanan mo lalo na if buntis ka po talaga.

di ka nag iisa mi ako nga din po kaka 2nd tri ko lang pero halos wala pa din akong gana sa pag kain. nung 1st tri ko kasi suka ako ng suka tas naglalaway pa na abot sa point na kailangan ko na lagi may dala ng lalagyan ng laway ko kasi pag nilulunok ko sobrang nandidiri ako sa dami ng laway ko at halos wala akong makain din po kahit na pa kunti² lang bawi sa suka kasi andami talaga. kaka tOng² ko lang ng 2nd kaya sana maka bawi nako sa pag kain🥺 kawawa din kc si baby.

Tiis lang tayo, mommy. Kaya natin to para kay baby natin. 🥺

ganyan din ako sa 1st trim. halos lahat ng pagkain ayoko kainin, kahit kanin di ko kaya. minsan niluluto palang sukang-suka na ako, kaya grabe bagsak katawan ko nun..grabe pinayat ko. pero 2nd trim. medyo nakakabawi na kahit papano nakakakain na ako, kaso mas gusto ko nun pagkain na luto dapatng ibang tao, ayoko kainin yung niluluto ko 😂 3rd trim. dito na yung sobrang takaw ko, maya-maya talaga ako gutom, kahit yung mga ayaw ko kainin nung 1st kinakain ko na.

Buti nalagpasan mo na ganitong stage, mii. Malalagpasan ko rin tong akin. Need ko lang magtiis at maging strong para kay baby. 🥺

halos lahat ganyan sa 1st trimester, and I consider 1st trimester as the most difficult stage. Ganyan na ganyan ako non, ang ginagawa ko is kumakain p rin ako kahit na nasusuka ako, tapos puro warm water iniinom ko. After ko kumain, nagkecandy rin ako na matamis like frutos. Kahit ganyan sa 1st trimester mababawi mo nmn nutrients pag 2nd trimester ka na, and mahalaga umiinom ka ng vitamins prescribed by your OB.

yung kada hapon like 6pm na nilalamig ka nararanasan mo ba sis at yung pang lasa mo nag iiba.

Ganitong ganito ako nung first trimester ko. Nag aalala ako sa baby ko kasi pati vitamins sinusuka ko hanggang sa di na talaga ako uminom. Sinabihan na ako ng midwife na si baby ang kawawa kapag di ko pinilit inumin ang mga prenatal vitamins ko baka daw magka cleft palate si baby or may buto na hindi ma develop. Malala nga pagsusuka ko kasi hanggang 5 months. Ngayon 4 months na si baby. Healthy at kompleto.

ganyan din ako mommy.. 1 at kalahating baso lng ng oatmeal ang kain ko sa loob ng isang buwan.. try nyo po magsaging panlaban sa acidity and chewing gum.. more water din mommy kase mahirap tlga yan.. pero malalampasan mo po yan.. 33wks na ako now kala ko dati ikamamatay ko na yung 1st trimester ko.. nakahelp din yung reseta ng ob sakin plasil..

Thank you po, mii. Kakayanin para kay baby. Try ko gawin tong mga to, sana tumalab din sakin. 🥺

VIP Member

Im on my 2nd trimester now but dont worry, di ka nagiisa. Pinagdaanan ko din yan. But make sure to eat small portions of food from time to time parin. And consult your OB with vitamins na pwede mong itake 🩷🩷 konting tiis nalang. On your 2nd trimester mababawasan na ang nausea ☺️

Thank you, mii! First time mommy kasi kaya siguro parang nao-overwhelm ako sa mga nararamdaman ko. 🥺

Maraming marami tayo Mi, pinaka mahirap na stage for me ang first trimester talaga 🥹😅 Kahit sa first pregnancy ko, grabe naglalaway pako sa sobrang nauseous ko. Kahit tubig ayoko. Don’t worry lilipas naman yan Mi, tiis lang talaga muna 🫶🏻🥹🩷

Thank you, mii. Halos lahat pala talaga ng buntis ganito nae-experience. 🥹

Nawala naman po sakin after 7 weeks of pregnancy. Ang ginagawa ko po non para malessen ang pagsusuka ko, kumakain ako ng saging. Tapos paunti unti lang ng kain and more sabaw para madaling malunok, kasi pag mamantika pansin ko na mas lalo akong inaacid

Thank you, miii! Kumakain din ako saging kaso ganon din. Kahit saging, pag naubos ko yung isa, nasusuka pa rin ako. Pero wala, need ko tiisin tong stage na to para kay baby. 🥺

Trending na Tanong

Related Articles