Insecurities and comparison
Ang kagandahan ng panlabas na anyo ay maaring maglaho sa paglipas ng panahon. Habang nadaragdagan ang ating edad at kumukulubot ang dating makinis na balat, kasabay nitoy ang pagkupas ng pisikal na kaanyuan. Hindi man kahalintulad ng nakaraan at ng nakalipas na mga larawan ang ating kaanyuan, huwag kang mawalan ng katiyakan sapagkat ang tunay na dapat papurihan ay ang babaeng may takot at relasyon sa Diyos, relasyon na kahit abutin ng pagtanda ay hindi mawawala. Habang tayoy tumatanda, nawa ay mas madagdagan ang aking kaalaman at karunungan kasabay ng ating malawak na pang unawa.