biglang umiyak dahil sa pagod mag-alaga ng sanggol

Ang hirap pala talaga mga inay mag-alaga pag mag-isa ka lang tapos may alagain ka pang isang 6yrs old na bata. Hays. Yung bigla ko nlng iniyak ang pagod at puyat ko sa baby ko, 27 days palang pala sya. Yung ikaw pa magasikaso ng pagkain ng pamilya mo, lahat ng gawain bahay. Asawa ko kasi may work din nakakatulong naman sya pero sakin pa dn lahat. Hays. Yung byanan ko saglit lng nagalaga di rin nya kinaya ang puyat tanda na kasi magmemenopause na ata. Yung mapapaisip ka na lng sana buhay pa nanay ko or di kaya may kamag-anak ako dito sa QC. Kaso wala, nalulungkot ako sa part na yun. Kahit sana may salitan ako kay baby. Hays. 1st week plang nung na CS ako ako na nagkikilos sa bahay. Ang hirap pero kinaya ko. ❤

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Saludo ko sa mga kagaya mong all around momsh. Mahirap talaga sa ngayon pero paglaki pa ng mga anak mo dyan mo na mararamdaman ang ginhawa. Konting tiis pa momsh. Kaya naten to. Kakayanin naten to. Take your vitamins para mas may energy ka everyday. Ingat lagi

5y ago

Kelangan din naten alagaan ang sarili naten kase pagtayo nagkasakit mas kawawa sila.

Related Articles