Ang Hirap

Ang hirap pala no kung immature ang Lip mo. May nararamdaman ka sa katawan mo, hindi mo masabi kase iniisip niya kaagad yung magagastos. Naiintindihan ko naman na wala pa siyang trabaho pero diba? Buntis ako at kailangan ko ng mga check-up. 26 yrs old siya at 23 naman ako. Akala ko, pag mas matanda sayo, mas matured. Hindi pala. Wala akong ibang maaasahan Broken Family kami at wala na akong Contact sa Papa ko. Yung mama ko naman, nasa Saudi. Nag aalala ako sa Baby ko kase mejo maselan pagbubuntis ko pero sinasabi sakin ng lip ko, "Hindi tayo mayaman para Magpa OB ka ng magpa OB". Hati naman kami sa gastos pero bakit ganun siya? May pinagawang lab test yung ob wala pa akong nagagawa. Balik sana namin sa 9 pero di na makakabalik kase nga gastos lang daw. Sa Center naman nagpapasama ako, wala daw kaming pamasahe pero may hawak siyang malaking pera pambili ng motor para daw makapag apply na siya ? haaays nakakasama ng loob .

58 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Thankyou po sainyo mga mommies πŸ™‚ kakayanin ko 'to para sa anak ko. Godbless po sa ating lahat

iresponsable sis yan ksi ndi pa pinapnganak un bata ngkukwenta n ng gastos nkklungkot.. kng gnyan tatay ng anak ko iwan ko n yan pgkapanganak ko ksi bka masundan pa eh ganun nnman ulit. pgkapangank mo sis habap k agd trbho pkita mo sknya n kaya mo..

kakalungkot nman sis ndi nya prioritize un pgbubuntis mo huhu. praying sna maayos kyo sis godbless pray klng lagi

VIP Member

Walang kwenta naman yang tatay ng anak mo. Ngayon pa nga lang ganyan na siya. Gumawa dapat sya ng paraan siya ang lalaki

Naku naman. Samantalang ako supportive lip ko. Lage nya ko sinasamahan tweng mga check up ko, complete check up ko ngaung buntis ako lagi nya ko sinasamahan pati ultrasound. Di nya kami pinapabayaan at lagi bumibili ng mga pinaglilihian ko at gusto kong kainin.

VIP Member

Yung lab tests, libre na po sa center. Kainis naman yang ganyan sis.

VIP Member

Yan ang mahirap kung may pagkamakasarili ang lip mu., mas priority nya yung motor .,

C hubby ko hindi nmn gnyan pero hindi nya ko msamahan sa check up un kinatatampo pero lagi nya ksi reason pagod na sa work tpos mghihintay lng daw ang importante ee mabili namin un vitamins ko mga gamot pra kay baby kso minsan hindi ko din maiwasan mg tampo ..