Family (long post)
Ang hirap ng may pamilya ka nga pero di mo manlang makitaan ng concern sa pagbubuntis mo.. In 6 weeks manganganak na ko, wala manlang mag volunteer o kahit magtanong manlang kung may mag aalaga na ba sakin during and after delivery. So ngayon naghahanap ako ng pwede kong maging yaya ng ilang weeks para lang may katuwang ako. Cs kasi ako mga momsh at first time mom din. Wala akong idea sa sakit na pwede kong maranasan after. Wala pa ring gamit yung baby ko, may pambili naman akong sarili pero mahirap na walang nagu guide, hindi ko alam kung anong dapat kong bilhin kaya umaasa nalang ako sa mga vlog sa youtube but still, I feel clueless.. Hindi ako asa sa mga magulang ko dahil unang una, mahirap lang kami at kaya namang iprovide ng live in partner ko lahat lahat ng kailangan ko. Madalas pati na rin pangangailangan ni mama at mga anak nya sa pangalawang asawa. Hindi ko gawaing mang obliga ng kahit sino. Naghahanap lang siguro ako ng masasabi kong may care sakin sa family ko. After all, dalaga palang ako tumutulong na ako hanggang ngayon na may asawa na ko. Ano pa bang aasahan ko? Buong pregnancy ko wala manlang sa kanila nangangamusta sa baby ko. Nung nakitaan ng problema sa kidney si baby wala sa kanila. Tatawag o magtetext sila hihingi lang ng pera. Bilisan ko pa raw. Walang nagtanong kung may gusto ba akong kainin. May one time na nagdala ng prutas pero binayaran ko pa. Then the last time nag request ako walang dumating pero nagbigay pa rin ako ng pera. Masakit lang yung feeling na nag iisa ka lang. Nakakasama sobra ng loob. Ihihinga ko lang to dito mga mommies pero para sa binubuo kong pamilya, kakayanin ko. ?