2021 GOAL: VACCINATE ON TIME
Ang hirap kumpletuhin ng vaccine ni Helix ngayong may pandemic. Nakakatakot kasi lumabas ng bahay pero mas nakakatakot naman kapag kulang ang proteksyon nya laban sa mga sakit. Kaya sa tuwing umaalis kami, sinusunod namin ang health protocol na social distancing at mag-suot ng facemask at face shield. Mommies, may mga na-missed ba kayong vaccine kay baby? Kami kasi, meron. 😅 Pero sabi ng pedia niya, may catch up schedule naman at pwede pa habulin ang mga na-delay na bakuna. Worried lang ako kasi akala ko noon, bawal na.. buti nalang pwede pa! You can ask your pedia kasi depende rin sa mga vaccines ang catch up schedule. Tulad ng rotavirus, hanggang 8 months old lang pwede mabigyan ang ating mga anak. Kaya tinapos nanamin nung nag 6 months si Helix. Marami rin naitulong sa akin ang Facebook Group ng Team BakuNanay. Lahat ng tungkol o katanungan sa bakuna, doon pinag u-usapan. Sali ka na din mommy! Sagutin mo lang yung 3 membership questions at magiging part ka na ng Team BakuNanay. 😍 ➡️www.facebook.com/groups/bakunanay #TeamBakuNanay #AllAboutBakuna #VaccinesWorkForAll #HealthierPhilippines
@mariellanism • 25 • Mompreneur • VA