Haay pano ba mawala ang contractions :(

Ang dami ko na medications pero bakit parang di parin okay uterus ko.. Bed rest naman ako almost 2months na naka leave sa work, I take my meds religiously. Kumakain nutritious foods. Pero naninigas parin matres ko Mommies 😭 Ano pa ba kailangan kong gawin pls help me 😣 #firstbaby #pregnancy #14weekspreggy

Haay pano ba mawala ang contractions :(
2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Nacheck po ba kung may infection ka? Another probable cause po ng contractions yun. Ganyan din po ako when I was at 18weeks pero okay naman na po after meds and bed rest. Tho maselan din talaga ang pregnancy ko, my OB noticed na matigas ang puson ko kaya tinest ako. May infection po ako na sa pap smear pa nakita since asymptomatic ako. Walang amoy yung discharge or pangangati, negative din sa urinalysis. Inexplain din ng OB ko na yung paninigas ng puson is normal naman as long as nawawala din within 2mins. So observe mo po yung interval. Change position ka lang mamsh pag tumitigas puson mo. Wag ka din po masyadong mastress and pray lang po.

Magbasa pa
2y ago

Nakapag urinalysis narin ako Mi, normal naman. Pero wala pa advise sakin si OB na mag pap smear. Sa na-observe ko hindi naman po tumatagal ng 2mins yung paninigas. Na fi-feel ko contraction after ko umihi, pagka gising sa umaga or any time of the day. Hopefully sa next visit ko sa OB, okay na πŸ₯Ή Thank you Mi sa advise πŸ’œ

TapFluencer

Best to ask your OB mi. Mahirap na manghula para din malaman mo kung okay lang si baby sa loob

2y ago

❀️✨