how to deal with pakialamerang biyenan

Andito yung mother in law ko sa bahay kasi nga nanganak ako. Sinasamahan niya lang kami pero taga province talaga siya. Ngayon, hilig niya mangialam sa kung paano alagaan ang bata. Ok lang naman yun,kaya lang old school kasi yung paraan niya, yung panligo ng bata kinukuluan niya ng kung anong halaman galing sa bakuran, may minsan pang pinatakan niya ng kinuluan ulit ng halaman galing bakuran yung bibig ng anak ko para daw mawala ang itim ng bibig. Ngayon naman, may sipon at ubo ang 1month old kong anak at sinabi niya na sabi daw ng manggamot may bad spirit daw na natutuwa sa anak ko kaya di makatulog at ang masaklap asa loob daw ng katawan ko ang bad spirit na yon kaya ayaw daw magpababa ng anak ko sa pagkakayapos sa akin. Gusto niya pausukan kami ng anak ko ng insenso. At gusto niya din ipahilot ung anak ko sa manghihilot dahil masama daw ang sikmura nito. Marami ko ng beses sinabi sakanya na ang ubo at sipon ang dahilan bakit hindi makatulog ang bata dahil di makahinga. Ang hirap makisama. Paano ko kaya mapapabalik ito sa probinsya nila ng hindi niya iisipin na ayaw ko sakanya.

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ganyan din ang problema ko sa mother in law ko. Masyadong pakielamera, pag may sakit ang bata nabinat daw o kaya sinundan ng masamang espirito. Hay nako! Nkakairita! Sinasabi ko sa asawa ko na pagsabihan ang nanay nya, lagi kase syang defensive, tas sya pa ang galit! Anyway sis… ang advice ko sayo bumukod na kayo, kme kase hirap pa hindi pa kame nkakabili ng bahay nmin.. kase hanggat nandyan ka ksama siya, kahit anong sabi mo dyan hindi yan makikinig, ako nga medtech nko hindi padin ako pinapakinggan, mas pinaniniwalaan padin nila yung mga pamahiin. Ipipilit nila ang kanila, totoo ang sabi mahirap turuan ang mga matatanda kse ayaw nila sa lahat ay nasasapawan sila ng mga bata, mapride alam mo na. Kaya ayun ang advice ko, bumukod kana.

Magbasa pa
VIP Member

Sipain mo pabalik ng probinsya 🀣🀣 jk. Your child your rule. Pag nagkasakit naman yan, ikaw ang magpapagamot.