Confused.

May anak kami ng ex ko. Pero nung buntis ako nagbreak kami. Nakipagbreak siya sa hindi ko malaman na dahilan. Sobrang down ako. Nagbuntis ako na wala siya sa tabi ko, magisa akong nagpupunta sa check ups ko, kaibigan ko ang kasama ko noong nanganak ako. Ako lahat gumastos simula buntis ako hanggang manganak ako. Hindi pirmado yung tatay ng baby ko. Pero naguusap kami nung ex ko noong buntis ako. Nalaman ko na nagkaron siya ng girlfriend. Pinatawad ko siya kasi mahal ko siya kahit na sobra na kong nasasaktan. Muntik pa kong makunan pero wala pa din siya. Alam niya na nasa ospital ako that time pero paglabas ko ng ospital umamin siya na may girlfriend siya. Hindi ko alam isasagot ko sa kanya, ldr kami. Umiyak ako ng umiyak. Imagine, muntik ako makunan tapos kalalabas ko lang ng ospital pero gamon agad bubungad sayo ng ex mo. Syempre dahil tanga ako at bobo sa pagibig pinatawad ko. Nagbreak sila ng gf niya nung umamin sakin ex ko, sabi pa ng ex ko bubuuhin niya pamilya mamin kaya babalik siya. Oo, bumalik siya pero yung trato niya sakin parang basura. Mahal niya ko pero palagi siyang galit sakin kahit di naman nakakagalit. If you want to know ku nug bakit siya ganyan, kasi narape ako. Nung unang sabi ko sa kamya na buntis ako masaya siya pero inamin ko sa kanya na narape ako. Alam kong hindi sa rapist ko yon dahil after ng shit na nangyari sakin nagkaron ako. Niregla ako, dinatnan ako. Pero siya pinilit niya na sa rapist ko yon at hindi sa kanya yung bata. Ako tinanggap ko kahit na pinagmumura niya ko at sinabihan na malandi dahil narape ako. Kasalanan ko ba na marape ako? Dinemanda ko yunf rapist ko pero anong laban ko mapera yung kalaban ko. Kaya ako magfocus malang sa anak ko yung ex ko nagalit. Kung wala daw nakakulong e wala daw rape. Sana daw binenta ko malang katawan ko kung magpaparape daw ako. Pero dahil tanga ako ponatawad ko pa din siya kahit ganon siya magsalita. Ngayon, sabi niya mahal niya daw ako pero yung trato niya sakin e prang basura ako. For short, kabaliktaran ng sinasabi niya. Hindi gamit ng anak namin yung last name niya dahil wala naman siya noong nanganak ako. Blank yung father sa birth certificate ng anak ko. Gusto niya kunin anak ko. Anak niya daw yon dahil naniniwala siya na kanya yon. Nagsorry siya kasi di daw siya naniwala. Ang masakit pa dito magisa ko na tinaguyod sarili ko noong buntis pa lang ako at ngayong nanganak ako magisa lang akong kumakayod para sa anak ko tapos gusto niya kunin anak ko. Hindi ko pinagkait sabkanya pinakita ko pa din sa kanya. Pero bakit ganon naman yung pakikitungo niya. Gusto ko sana ibigay yung hiling niya na gamitin ng anak namin yung last name niya pero dahil sa ganyang pakikitungo niya parang ayaw ko na. Im confused. Tinakwil na ko ng magulang ko dahil nabuntis ako ng di pa kasal tapos ganyan pa tatay ng baby ko. Sobrang nakaka stress. Nananakot pa tatay ng baby ko na kapag daw di ako pumayag na tumira siya dito sa tinitirhan namin para makasama niya araw araw anak namin e idadaan niya daw sa legal na paraan. Stressful sobra wala akong mapagsabihan kaya dito ako nagshare. Kung magulo kwento ko dahil magulo na din utak ko. Sobrang di ko na alam gagawin ko.

13 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

De idaan nya sa legal na paraan. Sino tinakot nya? Technically, wala syang habol dahil wala syang pirma. If I were you, wag ka na pumayag na magsama kayo lalo ALAM NA ALAM mo na basura ang tingin sayo. Hindi biro ang rape, traumatic yun at wag bobo. Hindi porke walang nakulong, walang narape. Iparape ko sya sa mga bading. In terms sa gastusin, ako na madamot pero kung ganyan na ikaw lahat ang gumastos at tumulong sa sarili mo emotionally, financially at mentally, sino sya para magdemand ng ganyan sa bata? Sino ba ang unang umayaw? Tama naman na wag ipagdamot makita ang bata pero ang magdemand ng higit pa dun, baka naman si Koya. Ate, alam ko matalino ka kasi napansin mo treatment nya sayo at iniisip mo lang ang anak mo kung ang pag uusapan ay ang lastname nya. But please, protect yourself first so you could protect your child too. God bless. Nakakaproud ang lakas ng loob mo na buhayin si baby without anyone by your side. You're incredible. You're awesome ❤️ God bless.

Magbasa pa

Panong legal na paraan? Kahit saan tignan panalo ka sis. Wag kang maniwala sa pananakot nyang kumag na lalaki na yan! Wag mo ndin paapelyido wala namang silbi. Kung nakaya mo nung buntis ka sis na wala sya mas kaya mo ngayon! Wag mo na syang pansinin. Habangbuhay ka lang dyan masstress pag pinapasok mo pa yan sa buhay nyo mag ina. 😊 NAPAKAWALANG KWENTA nyang lalaki. Tsaka sa lahat ng narape hindi nila gusto mangyari saknila yon. Wala sa damit at ugali ng babae, nasa kamanyakan nalang talaga ng isang rapist yon!!! BUMILI NGA SYA UTAK SA PALENGKE, BAKA UTAK NG BABOY PWEDE NDIN SKNYA.

Magbasa pa

I'm really confused. Why are there girls who allow themselves to be treated like trash in terms of "love???" kasi pag mahal ka ng tao, di ka sasaktan in any ways. Bakit tinitiis mo mag stay sa tao na klarong-klaro naman na walang respeto sayo?? Is that the kind of life you want to live for the rest of your life?? Ako kase madali ako ma turn off, pag konting sigaw or any signs of disrespect, iiwan ko agad. I grew up with a toxic mother, I don't want to spend forever with a toxic partner. Piniliin mo happiness mo always.

Magbasa pa
5y ago

That point.👊👊👊

Kahit saang korte sya mkipglaban hndi sya mananalo na makukuha sayo ang bata dahil hanggat hndi pa ng 7 yrs. old ang anak nyo wla syang magagawa.. lalo na at ikaw lahat gumastos lahat lahat hanggang sa nanganak ka at my trabaho ka pa... Samantalang sya pinabyaan ka hanggang sa manganak ka.. wag ka matakot dahil ikaw pa rin ang kakampihan ng batas.. Fighting mamsh nsa panig mo ang batas at hustisya don't be scared s pananakot ng ex mong wlang modo

Magbasa pa
VIP Member

Kng hnd sya nkapangalan sa birth certificte ng baby bilang biological father then wla kang problema teh, dka dpt mastress dhil kht sang anggulo tngnan di nya mkukuha anak mo un lng un. Kht sguro umabot ng korte yan unless kng nkapangalan sya sa point na un bka my laban pa. Pero dhil wla nman at wla syang kwentang tatag dmo kelangan mangamba. Syo lng ang anak mo. SAYONG SAYO LANG at magkamatayan mna kayo bgo nya mkuha syo kng sakali..

Magbasa pa

1. Pwede syang mag request sa korte ng DNA testing. Once proven na kanya yan matic may karapatan sya. 2. Hindi porkit hindi kayo kasal hindi nya pwedeng makuha ung bata. Kung mapapatunayan nyang compromised ang welfare ng bata sa puder mo at ng pamilya mo, pwede nyang makuha custody ng bata. Pero dadaan ng DSWD yan at marami pang pagdadaanan na proseso. At the end of the day DSWD magdedecide pang nangyari tong pangalawang option.

Magbasa pa
VIP Member

ano ho? sya ho ddaan sa legal na paraan? pnapahamak nya ba sarili nya sorry po d ko alam kung pnu grumaduate yang tatay ng anak nyo ho 😅 nkakatawa c kuya pota. ayoko na iboto sarili ko sa pgging super mom sa TAP npapamura ako tlaga d ko mapigilan. legal legal pa siya nalalaman. pwede mo iblotter yan eh kc kht isa sa inyo wala naman gumamit ng apelyido nya. pra lang syang ibng taong ngpupumilit pumasok sa bahay nyo.

Magbasa pa

Nakupo momsh. Dapat una palang di ka na nagpaikot sakanya to think sa lahat ng ginawa nya. Ikaw ang magdaan sa legal na paraan nyan. All that he caused you and your baby physical and emotional abuse yan mommy

Tama n un pgpptawad n ginawa mo dati wag k n pumayag n saktan k emotionally mstress k p. Khit kelan prng di k nya minahal kbliktaran ng sinasabi nya s ginagawa nya.

VIP Member

Kaya mo yan mommy hugs . Kahit idaan niya sa legal ikaw pa din mananalo jan