about drinking water
allowed na po ba ang water sa baby 2months old? yung byanan ko po kasi sabi okay lang
Momshie ang tiyan ng babies 6months and below maliit pa, so since wala sila iba tini take kundi milk lang so wala ng space sa tiyan nila kung papainumin pa ng water. Yung tiyan ng newborn sobrang liit lang and they can only intake 1 oz of milk pag 2 monts naman 2-3oz of milk na. So, no sa water momshie. Wag ka makinig sa biyanan mo.
Magbasa pakung ebf po ang baby no need for water muna, pero kung mixed feed po pwede po since may exact amount ng water lang na itetake at hindi palagi according to our pedia, mixed feed ang baby ko, nag water na siya one time pampatanggal ng halak 🥰
nako wag pag 6 months na tsaka mo paiinumin, nako ganyan din sa panganay ko daming magagaling pa sa pedia ng baby ko, aba kesyo kami daw noon pinapainom na ng tubig, pero Ako ayaw ko sa pedia pa din Ako nakinig
May nabasa po ako na 80% water ang breastmilk kaya hindi po muna inaadvice na painumin ng water po ang baby until mag 6 months po siya.
NOOOOO LASON SA BABY ANG WATER PAG BELOW 6mons pa.... mga epal lang tlaga kramihang mga byenan mga bida bida..
Sabi ng pedia naman namin pwede.. di naman kasi breastfeed ang baby ko.. but not more than 10ml a day
sabi ng pedia ni baby 6mos pa po
Hindi po, pag 6 months palang po
ur baby..ur rules...ikaw po masusunod pagdating kay baby kc ikaw ang nanay..hindi lahat ng sinasabi ng biyenan ay tama😁😁
No, Mommy