Finally.

Alex Madison EDD: January 06, 2020 DOB: December 28, 2019 3.1kg Via Normal Delivery Parang kailan lang, taga-basa lang ako ng mga experiences sa panganganak dito. Ngayon, ako naman mag-shshare. ? First time mom here, btw. December 27 ng umaga, in-IE ako ng midwife ko and sabi niya 3-4cm na raw ako. Konting squats pa daw. Pag-uwi ko sa bahay, nagka-bloody discharge ako. May naramdaman akong mga hilab bandang hapon pero nawawala-wala pa. Bandang mga 8:30pm, naging 20 mins. yung interval ng pain and then around 12mn, naging 10mins. na lang yung interval. December 28 ng 2am, pumunta na ko sa lying-in at dun na ko pinag-stay. Hindi na ko nakatulog nang maayos dahil sa contractions. Every 3 minutes sumasakit puson ko at sasagot naman ang balakang. 7am, in-IE ako at ang sabi e 5cm na raw. Pinipilit ko pumuslit ng tulog dahil nanghihina ako pero di ko magawa dahil sa contraction. Bandang 8:30am, in-IE ulit ako, 8cm na. Tapos around 11am, nag-9cm na ko. Inadvise ako ng midwife ko na kapag humihilab daw, isabay ko na raw yung pag-ire. Hindi na ko nakakain dahil napapakapit na ako sa sakit. Mga 3pm, sabi ko baka kako pwede na ko isalang sa delivery room. So pinasok na nila ko dun. Ininform ko sila na hindi pa ko nakakatae. ? Kaya sabi nila ok lang daw yun. Itae ko na raw lahat para yung next, si baby naman daw ang lalabas. So umire na ko everytime na hihilab. Nung una, natutuwa pa yung midwife ko at isa niyang assistant kasi ang galing ko raw umire. Nung tumagal, parang gusto na nila ko sakalin. ? Kasi naman mga Mamsh, nanghihina na talaga ako dahil wala pa kong tulog at kain kaya nahihirapan ako bumwelo ng hangin. Napressure rin ako nun kasi nakakain na si baby ng poop niya kaya sabi sa'kin ng midwife ko, need ko na mailabas si baby ASAP. Konting-konti na lang daw, labas na ulo ni baby. Tinutulungan naman nila ako mailabas si baby pero talagang ramdam ko na nakukulangan pa sila sa pag-ire ko. Kaya sabi ko, Lord, please help me. Bumwelo ako ng todo then tikom ng bibig, sabay bigay ng one last push. Ayun. Narinig ko na lang yung munting iyak na matagal ko nang gustong marinig. Pinatong si baby sa may tiyan ko pero nakatalikod siya sa'kin kaya nag-imagine pa ko kung anong itsura niya. ? Sabay announce ng midwife ko, "Okay. Baby girl out, 4:46pm. Praise God." Totoo pala yung sinasabi nila na pag nakita at narinig mo na yung baby mo na umiyak, burado lahat ng naramdaman mong pagod at sakit. Hihi. Super thankful ako kay Lord for a safe delivery at pati na rin sa midwife ko and assistant niya na mababait at pinalakas ang loob ko habang nanganganak ako. ? Kaya masasabi ko sa mga first time moms na malapit na manganak... mas maganda kung nakatae na kayo bago kayo pumunta sa hospital/lying-in. ? Kaloka! Dun po talaga ako natagalan kaya naubos na lakas ko nung ilalabas ko na si baby. HAHAHA. Tsaka matulog kayo hangga't kaya niyo para may lakas kayo pag irihan time na! Swerte niyo pag hindi kayo nag-labor ng madaling araw. ? At 'wag na 'wag kayong makakalimot tumawag sa Itaas! Naririnig Niya tayo at 'di Niya tayo papabayaan. ? Good luck po sa inyo!

Finally.
76 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Ako nun naalala ko nagpuyat pa ako hinintay ko pa yung slash sa lazada haha 12am yun tas sumasakit puson ko nun pero di ko iniinda keri ko naman tas nung matutulog na ako panay gising ko kasi sumasakit puson ko mga 6am dun nagstart contraction ko every 5mins tas 2-3cm palang ako tas nung 8am na 3mins na yung interval contraction ko tas yun bawat hilab iniire ko ng pakahaba haba talaga kaya 10:32am lumabas na si Baby. Ramdam ko pagkapunit ng kepkep ko talaga nun haha kasi 3.7.kg ba naman si Baby ko

Magbasa pa
Post reply image

Congrats mommy..ang cute ng baby mu..nakasmile pa..haha natatawa naman ako dun sa gusto ka na nilang sakalin..hehe ako ineexpect ko nalang yung mga unexpected..di ko pa kase naeexperience eh..bahala nalang si lord pag andun na ko sa puntong yun..sana makaya ko rin gaya nyu..

Same, sa harap ng midwife na nga ko natae. Buti close ko tsaka di maarte hahahahahaha. Pero grabe tagal ng labor mo mamsh. Kapagod nga yan.

So cute... Congratulations to the parents.. I really wish to have my own baby soon... Keep on praying.. πŸ™πŸ˜ž

Ang cute naman ni baby nakasmile. Congrats mommy! Maiiyak iyak ako dito sa shinare mo. Sana ako din makaraos na.

cpngtas momsh, funny but so difficult story. Thank God naging ok kauo no baby ☺️πŸ₯°πŸ™πŸ»

VIP Member

Ang saya saya ni baby nakalabas na daw sya sa wakas. Di na daw masikip. Cute cute mo baby. Gob bless.

5y ago

Hahaha! Oo Mamsh. Ngiting nakaraos na! πŸ˜‚

Ang cute ng anak nyo, pero pde po ba humingi ng tips kung paano ang tamang pag ire?

Ngiti ni baby, ngiting successful at nai pupu ni momy lahat..hahaha

Ang Cute! Thanks for sharing your experience, pampalakas ng loob.