URINARY TRACT INFECTIONS o UTI

ALAMIN: ANO ANG SINTOMAS NG UTI AT PAANO ITO MAIIWASAN Ang impeksyon sa ihi o UTI (Ingles/Medikal: Urinary Tract Infection) ay isa sa pinakakaraniwang sakit lalo na sa mga kababaihan. Dahil mas maikli ang daluyan ng ihi ng babae, mas mabilis makapasok ang mga mikrobyo para magdulot ng impeksyon sa pantog o bladder at sa daluyan ng ihi o urethra. Pero ang UTI ay maaaring mangyari sa babae o lalaki. Ano ang sanhi ng UTI o impeksyon sa ihi? Ang sanhi ng UTI ay ang mga bacteria na nakapasok sa daluyan ng ihi. Ito’y maaaring mangyari kung hindi malinis ang bahagi ng katawan, o dahil sa pakikipagtalik. Subalit kailangang idiin natin na kung ang isang babae ay nagkaroon ng UTI, hindi nangangahulugang nakipagtalik sya sa lalaki. Isa lamang ito sa maaaring dahilan. Ano ang mga sintomas ng UTI o impeksyon sa ihi? -Makirot na pag-ihi (Dysuria) -Balisawsaw -Mabaho at hindi malinaw na ihi -Pananakit sa pantog -Panakakit sa tagiliran -Lagnat Paano makaiwas sa UTI? -Panatilihing malinis ang katawan upang makaiwas sa UTI. -Maligo araw-araw at huwag kaligtaang linisan ng sabon ang puerta o ari. -Kapag maghuhugas ng puwitan, ang direksyon ay dapat papalayo sa puerta o daluyan ng ihi. -Regular na magpalit ng underwear. -Uminom parati ng maraming tubig. -Ang pakikipagtalik sa iba’t ibang partner ay maaari ring mag-sanhi ng UTI, pati naring mga STD o sexually transmitted diseases. Iwasan ang ganitong mga gawain, o di kaya’y gumamit ng condom para makabawas sa probabilidad na magkakaroon ng impeksyon. Umihi pagkatapos makipagtalik – may mga pag-aaral na nagsasabing ito’y nakakatulong as pag-iwas sa UTI. Ang UTI ay maaring pagmulan ng sakit sa Kidney kapag hindi naagapan .

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

thanks po sa info sis