Pagpunta ng buntis sa lamay/libing, masama nga ba?
Hello, alam ko ang iba e di naniniwala sa mga pamahiin ng matatanda, pero ano thoughts nyo about sa mga buntis na ayaw papuntahin sa mga lamay at libing kasi daw masama? hehe salamat sa mga sasagot❤ FTM 4 mos. pregnant ✨


Diyan kami nag away ng nanay ko dahil sa pamahiin na yan. 29 weeks pregnant here, isa sa mga pinaka close kong auntie is namatay at gusto ko sana makipaglibing kasi hindi na nga nila ako pinayagan makipaglamay. Personally, hindi talaga ako naniniwala sa mga pamahiin. Ang katwiran ko, mas malakas ang Faith ko sa Panginoon at walang mangyayaring masama sa akin. Hindi ko idedepende ang buhay ko sa mga pamahiin kasi parang kabastusan na rin yun sa Panginoon. Nag away tuloy kami ng nanay ko kasi yan ang katwiran ko. Ang ending, wala pa rin akong nagawa sa nanay ko. Kesa naman tuluyan kaming magkagalit, sinunod ko na lang. Hays mahirap talaga makipagtalo sa mga mapamahiin na tao.
Magbasa pa