Dec.6 2019 at 2:00 am.

Hello, ako po yung nag post na 2cm na ako and anytime daw pwedi na ako manganak sabi ni doc. Dec. 4 sched nang check up ko. I.E ako ni doc. Sabi 2cm na ako. Nagulat ako kaya pag uwi namin bumili na agad ako nang adult diaper kasi hindi pa ako nakabili nun. ? kinabukasan nang madaling araw sumasakit tiyan ko. Binabalewala ko lang. Then pumunta na ako hospital bandang 7am kasi paulit ulit na yung hilab, pag i.e sa akin 2cm parin pero sakit na nang hilab,.. Laboratory nila ako ihi tsaka sa dugo, then inantay result nang lab. Mga 6pm na kami nakauwi, sobrang sakit na talaga nang hilab, paulit ulit na siya, bumalik ulit kami mga 8pm sa.hospital, 3cm po siya. Pina uwi ulit ako, nag stay pa kmi waiting area kasi sobrang sakit na tlaga nang hilab halos di ko na kaya,. Nagdecide ulit kmi na umuwi muna kasi sa bahay magagawa ko lahat nang posisyon na sakit.. Walang panubigan na lumabas sa akin, puro dugo or.yung malalapot na parang sipon na may halong dugo, nasa bahay na kami hindi ko talaga kaya sobrang sakit pag nahilab, pinakalast na sigaw ko yung "Hindi ko na kaya".. Hindi na talaga ako makatayo, nagpanic na kasama ko sa bahay, yung kuya ko binuhat na ako nang walang tsinelas, lip ko buhat na sa mga bagahi pati bayaw ko.. Mga bandang 1pm na.yata yun.. Sinakay na ako sa wlchair papuntang e.r pag hubad ko sa diaper ko sobrang daming dugo na may parang sipon, pag I.E sa akin Boom full cm na, pinasok ako delivery room, tatlong eri Ayan na si baby ko. ?? Sabi ni doc miracle si baby dahil yung pusod niya nakatali, hindi siya cord coil, nakatali ang pusod niya na parang lubid na dinugtong. Thanks God talaga.. Sabi ni doc bihira lang daw may ganun na buhay yung.baby.. Pero thank you lord.. Buhay na.buhay po ang baby ko.. Meet my Xiomara. 2.9kg via normal delivery.. #thebestGodsGift.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles