11 Replies
Hello sis, i feel you. Ni-recommend sakin ng OB is more water as in lagok hanggat kaya hehe, prunes (mismong fruit dahil mas ma fiber daw ito) and oatmeal. To add, tinanggal ko pork and beef, more on fish and chicken, veggies tapos laging may sabaw every meal. Smaller portion every meal nadin tapos madalas nalang mag snacks. Pinapapak ko yung prunes or wheat bread hehe So far, almost 2 weeks na daily na ulit ang pag dumi ko. Sana makatulong, good luck sis!
same. Para akong manganganak. Kaya ang ginagawa ko sa arinola ako dumudumi. Oo nakakadiri na nakakatawa na ewan kahit ako di makapaniwala pero dun ako mas kumportable kasi na bbend ko onti yung katawan ko. Para akong patuwad. And ginagawa ko tatayo muna ako tas inom ng tubig. Pag alam kong palabas na tsaka ako uupo. Ganon na naging routine ko. Minsan nga gusto ko nalang umiyak kahit tatae lang naman. 😅
more water, more vegetables fiber. no to fast foods (nakaranas ako ng ganyan nag bleed pa nga pwet ko akala ko cervix ko na yun) hindi na tlga ako kakain ng fastfoods hehehe
Same saakin sis . Halos mahimatay nko sa sakit ng tiyan ko kasi di ako makatae as in constipated tlga ako . Di ko din pwde umiri kasi my polyp ako nag blebleed pag napwpwersa
supposutory is the key tlga 😂
ganyan ako nung 1st trimester na nahilig ako sa saging. sobrang hirap at sakit ilabas. nung binawasan ko saging, nag okay naman. inom din po madaming tubig
di pako buntis mii constipated na talaga ako saka super dalang ko talaga ma poop. kaya gumagamit ako dati ng biofit tea
same ...nung nag buko juice ako ng napakarami ayun naging maayos na
prune juice lang po yan later on mkakadumi kdn po agad.
Nakatulong sakin ang enema, meron sa mercury
dalang ko kse talaga ma poop mii kahit nung di pako buntis halos once a week lang kaya nainom talga ko nun ng biofit
Yakult sa akin my at maraming tubig
inum ka lang madami tubig
Jaidee