ligo after manganak

Ako lang ba yung ligong ligo na kase nalalagkitan at feel ko ang dumi dumi ko kahit naghahalf bath ako pero yung biyenan at mother ko isang buwan (1 month) daw ako h'wag maligo jusq yung buhok ko ang lagkit na yung anit ko ang kati-kati na🤦🏼‍♀️ dami rin paniniwala biyenan ko sabi niya itago ko sa pitaka yung pusod ng baby ko tapos yung mga nagupit na kuko para daw tumalino anak ko.. anyways i respect naman yung belief niya kaya sabi ko siya na lang gumawa kase magkaiba kami ng paniniwala

7 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ako na sinunod naman yan pero 3 days lang mare kasi sa hospi bago ako nanganak naligo ako tas di ako nakaligo agad dahil cs ako, tas pag kauwi 3 days ko lang sinunod yung ganyan, di ko na natiis nag painit ako ng tubig tsaka naligo, pero syempre di ko pa muna binasa yung tahi ko.

maligo ka na momsh. mas mahirap makapitan ka ng kung ano bacteria. at jusko napakainet kht na me aircon iba padin ung presko ka kasi bagong ligo. painit k lng tubig og maliligo. 2 weeks PP n ko every other day ako naliligo.

as per my OB, pwede nang maligo the next day after giving birth or kung kaya na. naligo ako paguwi ng bahay after discharge from hospital.

ang hirap kapag yung kasama mo sa bahay daming bawal, umaga't gabi ulam malunggay nauumay na ako

ako mi naligo na kinabukasan pag ka panganak ko diko sinunod mga paniniwala nila

ako mie naligo na next day after giving birth..

ako sis naligo na ako after 7 days.