18 Replies

Firstime mom din ako first pregnancy. 8weeks bago pa namin malaman na buntis ako plan kami mag. BOracay ng partner ko sa October may ticket tsaka nakapag pa book narin kami ng hotel don sa bora. After ilang weeks nilagnat ako nilalamig tapos nung gumaling nagsusuka suka naman na ako. Mga 1week din yon kaya bumili pt yung partner ko yon ng positive tapos pacheck up agad kami don nalaman 7weeks preggy ako na ako. Sobrang saya namin kasi 30 na ako sya 35. Ganda ng blessing duMating samin same kami excited. Dati sya inaasikaso ko now ako na inaasikaso nya lage naawa na nga ako eh pero may mga bawal kasi. Feeling ko nga mas mahigpit pa partner ko kesa sa ob ko pero sobrang thankful ko sa kanya. Tapos check up kami nung Wednesday 8weeks preggy na ako ayon nag ask sya sa ob ko kung pwedi travel tanong ng ob ko saan daw sabi nya sa bora sabi ni ob ok lang daw kasi tapos na ako first trim nun october pa naman. Pero bago yung travel daw check muna ako ulit if pwedi ba talaga. Sabi ko sa partner ko sosyal anak mo nasa tyan palang nagtatravel na. Pwedi naman cancel nalang muna sabi ko kasi importante Parin yung situation ni baby. Sila nga nag uusap ng ob ko sa viber pag may mga tanong sya. Ngayon ultimo lalabas ako may bibilhin minsan ayaw nya ayaw nya naglalakad lakad ako. Bago sya papasok magluto muna sya bibili muna ng mga fruits para dina ako lalabas. Di nman ako naboring kahit mag isa lang ako sa unit kasi sanay na ako sya lang tong worried masyado.

Hi mommy depende siguro talaga sa lifestyle po kung outgoing ka / extrovert madami ka talaga mamimiss normal lang yon kasi madami talaga bawal sa pagbubuntis lalo na sabi mo maselan pagbubuntis mo.. Enjoy mo lang momsh 9mos lang naman yan😊 napakaiksi ng panahon. Pag lumabas na si baby mas maeenjoy mo motherhood mo. Maiiba na din ang pananaw mo.😊 Sa part ko kasi introvert ako onting adjustments lang ginawa ko saka ininggit ko pa mga friends ko kasi while sila nag eenjoy ng sa sarili lang nila ako nakabuo na ng pamilya☺️ na para sakin mas pangarap ko kaysa lumabas at ganon lang naman din.. Atleast masaya ako ngayon at pamilya na focus ko.

For me, It's natural to be frustrated, lalo na pandemic at maselan ka pa magbuntis, marami kang gustong gawin pero di mo na magawa. pero don't worry just think positive lang, may changes man sa buhay mo ngaun at adjustment kahit sa body mo pero once na dumating na si baby mo, sobrang happy naman ang maibibigay nya sayo. Sa ngaun ibigay mo muna ung time mo para sa magiging baby mo, minsan lang sila magiging baby, at mamimiss natin sila once na lumaki na. magagawa mo din lahat ng gusto mo gawin soon 💗😇 gumawa ka muna ng libangan ngaun, mamili ka ng gamit ni baby, if pwede madalaw ka ng friends mo sa house pwede din! at syempre support ng hubby mo at family mo yun ang isa sa pinakamahalaga 😊

hi mommy same tayo, umiiyak pa nga ako kasi namimiss ko sila mga dati kong ginagawa. Hindi ako nakakapunta sa ganito kasi may baby na ako, dapat ganito gawin, dapat di mo'to gawin pero habang lumalaki yung baby ko at nasasanay na akong maging mommy mas happy ako, kasi meron na akong baby. normal lang yan mommy lalo talaga pag first time mom ka pero day by day maaaccept muna, thankful din ako kasi kahit na may anak at sariling pamilya na ako may mga kaibigan parin akong nandyan parin para sakin at sa anak ko . siguro pag malaki na talaga sila kaming magiina na ang gagala o di kaya kasama mga kaibigan ko.

papunta kana po sa bagong stage nang buhay mo mi, bigay nang dyos yan for you to open another chapter, ang mga kaibigan mo darating ang araw magiging katulad mo rin, nauna ka lang dyan din naman tayo papunta eh ang magka pamilya. Ako nga rin, party girl nuon, pero nung makilala ko long time boyfriend ko at nabuntis nang wala sa planu hindi ako nagdalawang isip na tanggapin ang biglaang pangyayari sa buhay ko. Just embrace it mi, pag labas nang baby mas solid ang mabibigay nyang ligaya kaysa mga friends mo 💖😊

maybe your not ready in this new stage of life as a woman. kasi kung ready ka you will cherish every moment wala mas sasaya pa na sa pakiramdam na you're bearing the child that you and your husband made in gods perfect time. you should be aware kahit hindi kapa buntis kung nag asawa/committed kana marami talagang bagay na di mo na magagawa. Accident lang ba si baby? hindi pa ba kayo kasal ng naka buntis sayo? sana naiisip mo yan before kapa nakipag make out you should use protection.

It’s ok. I think napagdaanan yan ng most of the mommies here. Even me, umiiyak pa ako nun kasi hindi ko matanggap where am at in my life at the time. Naiinis pa ako nun sa mga hormonal changes na napagdadaanan ko. Baka ganun rin lang na fefeel mo, nasa in-denial stage ka pa. Pero as you go along with your pregnancy, magbabago rin yan. Pag na feel mo yung first kick ni baby, etc. Tapos next thing you know, maeexcite ka na mamili ng mga gamit for your baby :) you can do it!!!

normal lang po yan na ganyan mararamdaman mo since yun nakasanayan mo.. sa ngayon na magiging nanay na priority na natin baby natin.. mahirap talaga minsan.. base sa experience ko nasanay ako na laging work, introvert ako so sanay ako na bahay lang ako lang mag isa, di ako pala.gala.. if naiisip mo lagi ganyan, try to open up sa partner or kahit sino na malapit sayo. Iwasan mo ma.stress para di makaapekto sa inyo ni baby. Godbless.

VIP Member

How old are you mommy? I think di ka pa ready for this season. But I pray you'll embrace it. We can't judge you for what you feel. Pero kung may regrets ka man, sana nag isip ka muna bago mo ginawa yan. But of course, phase din ng pagbubuntis yan. Yung madalas malungkot. I pray maovercome mo din. Hugs! ❤️ P.S Huwag ka maiinggit sa mga friends mo o kakilala mo, you never know, baka gusto na rin nila magka baby diba 😉

me naman, nung bumalik ako ng work sobrang adjustment, wala kasi akong yaya mother ko lang nag aalaga sa baby ko, sa work hindi na ako ganun kabilis mag work, before din kaya konmag work ng weekends ngayon hindi na, priniority ko din ang family at baby ko kasi sila yung most important, sa work i give my best namn kung hanngang saan ang makakaya ko lang di ko pinapagod sarili ko para sa family ko.

Trending na Tanong

Related Articles