Frustration
Ako lang ba? Simula nung nagbuntis parang ang daming adjustments na dapat gawin. Mga nagagawa ko dati, di ko na magawa ngayon o limitado na lang. Madami ng bawal dahil dahil dapat mag ingat. Laging nasa bahay na lang. Nakakaramdam ako ng inggit sa mga kaibigan kong wala pang baby kasi nagagawa pa nila mga gusto nila habang ako nasa bahay lang. Kelangan magresign dahil maselan magbuntis. Di ko alam pero namimiss ko yung dating ako kesa ngayon. Hindi sa ayaw ko sa baby pero di ko maiwasan mag isip ng kung anu ano about dyan. Like what if di ako nabuntis? Etc. Need your advice mommies about dito. #advicepls #pleasehelp #1stimemom #firstbaby