Ako lang ba?

Ako lang ba may partner na mas ma pride pa saken? Yung tipong pag meron kaming misunderstanding, eh pag di na ako kumibo hindi na rin sya kikibo? As in wala syang gagawin kahit try lang magsuyo. Mag sorry wala din. At worst is hahayaan nya lang na ganun kami hanggang makatulog na (pero ako hindi ako nakakatulog, tas sya naghihilik pa) ako lang ba? Ang sakit lang sa dibdib na hinahayaan nyang ganun lang kami kahit abutin na ng kinabukasan. Buntis pa ako neto ah.

17 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Same po sakin ngayon. Nakunan po ako ngayon pero hindi niya ko pinapansin. Pag kinakausap ko siya sumasagot naman siya pero sobrang casual lang. Pakiramdam ko tuloy na parang gusto ko yung nangyari sakin kaya di niya ko kinikibo. Hibdi man lang ako tinanong kung kamusta ako. 🥺

Swerte ko lang sa partner ko kasi never kong naranasan yan sa kanya, kahit ako pa may mali sya pa susuyo sakin at mag sosorry. At maalaga pa sya samin ng baby ko road to 7months preggy here🥰 sana lahat ng lalaki hndi kayang tiisin ang mga babae.

Ganyan din partner ko dati walang pakialam ang taas ng pride sobra. ginawa ko umalis ako ng dalawang araw. ayon sinundo ako nag iiyak iyak di na daw uulitin. so far okay na kami hehe sya na nag so sorry

ganyan din sakin mi pero pag hindi naman malalang away yung nangyayare hindi kami nag kikibuan or what, pero if yung hahantong na sa hiwalayan, nagpapakumbaba at nanlalambing na sya saakin hehe

open communication with comprehension is the key Bakit ba kayo nag away?

2y ago

di naman malalang away mii. konting tampuhan lang tas pinababayaan nya pa. minsan ayoko na din na nagsasalita kase naiiyak lang ako sa harapan nya pag sinasabi ko yung nararamdaman ko. tapos sya meron at meron syang dahilan. madalas nga, magsasakit sakitan sya or may mga scenario sya na sasabihin saken na kesyo may nangyari daw sa bahay nila ganun. parabg feeling ko gumagawa nalang sya kwento hays

Same sanayan na lang kumbaga.

1y ago

bat niyo po sasanayin sarili niyo sa ganun ang sakit kaya pregnant ka tapos pag na stress ka sa kanya pabor pa sya mawala anak niyo sa sinapupunan alam ko malaki at mahabang responsibilidad to pero ansakit po sabihan ng ganun. mas gusto ko nlng dalawa kami ng baby ko mawala. 😔

Same