26 Replies

Mga momsh mas okay na sanayin nyo matulog sa left side, kasi ganyan din ako dati gusto ko right side palagi, pero sinabi sakin ng OB na sanayin sa left side, maglagay nalang ng unan sa likod para di mangalay, ayun nasanay nako leftside matulog. Kasi kapag right side may posible din na madaganan ni baby yung pinaka ugat natin sa gitna na daluyan ng dugo natin sa puso. Pag nadaganan daw yun ng baby, maaring mahirapan dumaloy yung dugo sa puso. Yung ugat natin sa gitna tinatawag na Vena Cava. Kaya mas okay ang leftside palagi matulog kasi dun din comfortable si baby. :)

VIP Member

Same here. Right side ako komportable, pag nka left side na aq mabilis aq magising. d rin ako inaantok kpg nka left side ako. kaya gngwa ko pampaantok q ung right side then pag tulog n ako hinahawi aq ni hubby pra mag turn left. Lagi kc aqng nauuna mtulog sa knia, binilinan ko rin sya na hawiin ako kpg tingin nia e tulog n ako. 😂 Effective naman.

Same tayo ng feelings mamsh! Pag ngalay na ako nalipat ako sa right pero saglit lang kasi nakokonsensya ako pag nag riright sidr ako hahaha. Naawa ako kay baby. Ang advice kasi talaga left side dapat natutulog ang buntis pag ngalay ayun pwede naman right.

VIP Member

Ako din sis, magcomfortable ako s right pero syempre mas gusto natin na mas magiging maganda benefits kay baby kapag left ang sleeping position natin. Pwede naman alternate pero mas dpat magbabad talaga sa left. Konting tiis lng nman para kay baby.

same po din po tyu momsh, hirap po ako mkatulog sa left side ko😔 pagnagigising ako in the middle of the night bumabalik ulit ako sa left side ko... subrang hirap po mommy I feel you pero para po sa kapakanan ni baby we should try our best☺️

mas better po magsleep ng sa left side momsh para po hindi maipit yung mga organs mo and para may oxygen si baby ☺️ pwede ka po gumamit ng pregnancy pillow para may support yung likod mo.. you can search po sa shopee or lazada

ako din,mas comfortable aq sa right side,minsan pa nga nakatihaya,pero sabi nga nila mas recommended ang left side lying para sa blood flow ni baby kaya everytime magigising aq lumilipat talaga q sa left side

kahit hirap ako sa left side pinipilit ko parin, iniisip ko nlng para kay baby, pero pwde naman po kabilaan para kahit papano makpahinga yung left side mo pag okay na ulit balik kna ulit sa left side🙂

ako alternate naman po. since kabuwanan ko na, medyo ngawit na rin po kasi ako kung left side lang matulog, kusa akong nagigising dahil sa ngawit so change position naman po basta wag lang patihaya hehe

VIP Member

hirap din ako ma tulog sa left nasakit mga braso at buto ko sa hips, tapos hirap ko huminga, mas comfortable ako sa right pero pag na iisip ko ma mas pabor kay baby pag sa left so tiis na lang talaga.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles