Lihi

Ako lang ba nag lilihi ulit pagka 7 months? ?

Lihi
69 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mas matindi nga cravings ko nung nag 6 mos. na sya 🤣, bumalim na kasi appetite ko. Pero control lang talaga sis lalo na sa matatamis baka lalaki ang baby mo. Mahihirapan ka mailabas sya, kagaya ko ang laki laki ng tiyan ko para akong nagbuntis ng twins. Nakaraos din naman normal delivery pero muntikan na ma CS kasi hindi ako masyado marunong umere.

Magbasa pa

Me. naghahanap ako ng palitaw. pero walang niyog at linga. nagpreterm labor ako non e. tapos ewan ko ba after ko maturukan ng para daw sa pampaclose ng cervix hindi ako mapakali hanap ako ng hanap ng palitaw

3rd trimester babalik daw talaga.... hehe kaya nman ngayun 7months nko gagalingan ko pag arte kay hubby kc poh 1st trimester d ako naglihi... akala ko girl baby ko yun pala boy again...

5y ago

Me too boy,nung 1st tri mga maasim na ulam like ngaun seets na.😊😀

Dika nag iisa, ako nga kabwanan ko na and feeling ko naglilihi parin ako. 2 weeks na ko kumakain ng champorado everyday, hindi buo ang araw ko ng walang champorado 😂

same us, masyado ko baliw sa carbonara iniyakan ko sya tuwing umaga everytime mag aalmusal kame or meryenda papahanap talaga ko kunsan may tinda. hys

VIP Member

Hindi ko sure pero mas strong cravings ko this time kesa nung 1st trimester ko. Puro suka at hilo kasi nangyari sakin ahahah. Going 34weeks na ko.

Ganyan dn ako sis nung preggy kahit kabwanan ko na nun kung anu ano ung hinahanap ko at gusto kainin.. puto bumbong at bibingka dn hanap ko nun

Ako at 8 months. Gusto ko lagi ng donut pero bawas bawas ngayon kasi baka lumaki naman masyado si baby. Once a week lang

5y ago

ako naman sa cakes huhu

VIP Member

Me! Bumalik pag lilihi ko. Pero wala nman cravings. Puro pagsusuka at gusto lagi lang nakahiga, iba din panlasa ko 😂

5y ago

sakin sis cravings at suka ulit waaaah hahhaa

VIP Member

Normal daw po yun. Babalik daw talaga yung paglilihi pag third trimester nabasa ko lang upon searching sa google. Hehe

5y ago

onga po e. dati sour ang cravings ko, ngayon sweets na hehe