Ako lang ba???

Ako lang ba mga sis? Naiinis kasi ko, yung MIL ko saka SIL ko tuwing maririnig si baby ko na umiiyak habang inaalagaan ko, biglang kukunin anak ko sabihin "Akin na nga, akin na nga". Kala mo ba eh wala akong kwenta mag alaga ng baby ko eh normal lang naman sa baby umiyak :( tapos antagal na bago isoli sakin si baby ko :( Di ko naman masabi baka sabihin pinagdadamot ko si baby sa kanila. :( gusto ko talaga kasing maging hands-on mommy, gusto ko ako lahat gagawa s baby ko, kaya nga nag homebased job nalang ako eh. Tapos tuwing naiyak baby ko panay sermon na sakin na "Ayan kasi panay inom ka ng malamig" "Ayan kasi naiinom na ng anak ko pagod mo" "Ayan kasi kung ano ano kinakain mo" STRESS NA STRESS NA KO. Since manganak ako ganyan.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Kung hindi mo po sila kayang kausapin, kausapin mo po ang asawa mo about sa concerned mo. Then siya ang kumausap sa mga magulang niya.