25 weeks FTM

Ako lang ba mga mommy? May araw talaga na hindi ko nararamdaman si baby minsan nga maghapon pa tapos the next day biglang gagalaw at hyper siya tapos biglang hindi na ulit. Kanina maghapom di gumalaw si baby, kinausap ko lang kaya gumalaw. 😅 #firstbaby #pleasehelp #FTM #firstmom

7 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ganito rin naranasan ko nung 25 weeks ako,nakakakaba talaga pag hindi mo naramdaman..pero iniisip ko lang baka more on tulog sya.pero now n 28 weeks nako lagi n sya gumagalaw..😊lalo pag bagong kain ako.pray lang po tayo lagi na healthy po ang anak natin😊

1y ago

Yes mommy. 25 weeks ako now

advice po ng mga ob or nurses mami is kailangan mo imonitor fetal movement after meal po dapat 10 or more movements po dapat sa 2hrs hehe

Pacheck up po kayo kasi dapat araw araw may movement dapat si baby,hindi po pwedeng lilipas yung maghapon na d siya gagalaw.

1y ago

Nagalaw naman po siya kaso hindi lang sobrang active tulad ng ibang araw

same 25 weeks dn hehe pero pag nanjan daddy nya nagpapakitang gilas. pag kmi lng mag mommy lagi ata tulog

Ako sis, pabago bago sya ng waking time ata.

1y ago

Ayun nga mommy same ata tayo. Nakaka kaba rin talaga

VIP Member

May oras tuloy na kinakabahan ako

Anterior placenta po ba kayo?