Ako lang ba dito? Yung tipong kapag pinapamukha sayo ng asawa mo na parang anak nio lang ang mahal nia e nasasaktan kayo? Alam ng Diyos mga momsh na hindi ako nagseselos sa sarili kong anak, mahal na mahal ko ang anak ko higit pa sa lahat, pero alam nio yun? Yung dmo maiwasang masaktan kapag lagi pinaparamdam talaga ni mister na anak nio lang talaga ang mahal nia? Oo syempre anak ang usapan eh, pero bakit ganon? Minsan dko talaga maiwasang di masaktan kahit gaano ko iwalang bahala. Ang pangit lang kasi sa Pakiramdam yung ganun.
Madalas kasi mga tipong ka videochat ng anak ko asawa ko tipong lagi nia sinasabi di ikaw gusto kong makausap si baby lang mga tipong ganon? Tas ngayon lang sa bed si baby lang gusto kong katabi alis ka dian yung mga ganong salita ba? Dko na naiwasan kanina nainis nko.
Alam kong wala ako panama sa anak ko kasi anak nga namin e at ganon din naman ako na mas mahal ko anak ko kesa sa asawa ko pero never ko pinaramdam sakanya lahat ng pinaparamdam nia sakin. Yung araw araw na pinaparamdam ko sakanyan na mahal ko silang pareho ng anak namin.
Alam ko sa sarili kong matured enough nako at tanggap ko naman talaga na anak ang pinaka importante sa lahat pero bakit ganon? Dko talaga maiwasang di masaktan kapag pinaparamdam talaga sakin ng asawa ko na anak lang namin ang talagang mahal nia. Tipong wala nkong halaga sakanya ni katiting mula ng nanganak ako. Nalulungkot lang po ako mga momsh naglabas lang po sama ng loob. π’
Anonymous