Preggy na Tamad
Ako lang ba? Ako lang ba yung preggy na sobrang tamad well nag papalit nmn ako ng damit at underwear at naliligo 2 times a week. Pero sa mga gawain bahay tamad na tamad ako gusto ko lang matulog at kumain. Sino po ba dito ganon din? Bali 4 months preggy na ako ang gusto ko lang gawin is matulog sa umaga at hapon at puyat sa Gabi.
tamad na tamad din ako kumilos nung preggy ako, since nasa apartment kami before pareho kami may work ina allow ako ng principal na umupo nalang kapag magtuturo para hindi daw ako mapagod whole day kami 3pm ako nakakauwi, pm nauuna ako makauwi sa bahay, pero ang gagawin ko lang syempre pahinga ligo ulit tapos hilata na, hindi na ako magluluto, tatawagan ko nalang asawa ko na bumili nalang food bago umuwi, sya na din nag aayos ng higaan, nag huhugas ng pinggan, naglalaba ng damit namin, kain, tulog, lang pero masipag ako maligo 2x a day..
Magbasa paAko. Di naman ako tamad non. Gusto ko nga tumulong non sa gawaing bahay pero ang bilis ko mapagod. Yung tipong ilalagay ko lang ung pinggan sa lagayan..kaloka.. pagod na ko non. Pero nung nag 2nd trimester.. ayun ok na. Nakakpag linis na ako ng fridge, window, walis. Laba hindi ako. Nagpapalaba na lang. Ligo ko non. 3x a day kasi sobrang init na init ako. Gustl ko matulog non ng matulog. Kaso hirao ako makatulog . Iba iba kasi talaga ang symptoms ng mga buntis talaga. Hahaha.
Magbasa paOk. Ingat lagi.
I think mommy ang sinasabi ng mga mommies dito sa comment section is kahit hindi mo ramdam yung init kasi naka aircon kayo 24/7 wag naman 2X a week lang maligo. Pwede siguro every other day kung talagang tinatamad ka pwede din naman mabilisang ligo. Hindi po sasapat ang wipes lang. Sanayin mo na sarili mo mommy, isama mo na siya sa daily routine mo. Sabayan mo si Hubby kapag maliligo siya, unless 2x a week lang din naliligo si hubby at nagwawipes lang...
Magbasa paTaking a bath twice a week is fine kung nasa kwarto ka lang na naka full blast ang aircon. Pero kung hindi, it would be better if you take a bath everyday. Maliban sa hygiene po, kylangan palaging presko katawan mo dahil sa sobrang init po ngayon. Normal pong tamarin po tayo ngayon dahil sa sitwasyon natin, pero you have to be cautious po specially sa lagay mo ngayon. Don't just think of yourself, think your baby in your womb dn po. Take care, sis😊
Magbasa panatural na ko tamad sa gawaing bahay .. 😜😜 pero nung nabuntis ako mas gusto ko lagi nagwawalis .. napapansin ko lahat ng alikabok sa bahay lalo ngayon na lockdown .. but hate ko pa din maghugas ng plato .. that's hubby's assignment .. 😜😜😜 ngayon lang naman ako naging antukin nung naglockdown na .. since Im working naman before .. 😜😜😜
Magbasa paMe tagtag ako s trabaho since may work ako s office. Grabe stress at puyat nakapagleave lang nung magnnine months n tyan ko. Tapos malabas pako nun kasi ako lang nabili ng gamit n baby basta ayoko ng nakatengga lang s bahay inip n inip ako pag wala pasok at s paliligo sis dko ata keri ung 2x a week hahaha ang init kaya s pakiramdam 😅😂😂
Magbasa pa4 months pa lang po yung akin sis. May Quarantine po di po ako lumalabas ng bahay / magdamag po kase kami naka aircon ni hubby. Puro tulog, work at kain lang ako pero mini maintain ko po yung hygiene ko tinutulungan ako ng asawa ko. Di ko kase ramdam init, mararamdaman ko man kung papatayin ko ho yung ac 😊
Nung preggy ako pakiramdam ko dn tamad na tamad ako pero kasagsagan ng summer nun kea tlgng 2-3x a day ako ligo o shower..saka nagwowork pa ko til 4mos kahit tinatamad ako kumilos nun kelangan ko labanan.. normal naman po ung ganyan na tamad pero wag naman po ung 2x a wk lang maligo at mainam kilos kilos pdin po sis
Magbasa paNag wawipes naman at naka aircon mag damag po. Sala at kwarto naka open yung Aircon 😊 Don't worry madam nag papalit ako everyday sinesecure ko naman po malinis ako.
Buti keri mo yun Sis? Ako di lang makaligo ng isang araw diring diri na ko sa sarili ko. Okay natural lang naman ang pagiging tamad pa buntis. Pero sa panahon ngayon Hygiene first may kumakalat na virus saka sobrang init ng panahon. 3x a day nga ko naliligo e 2x pa kung mag hugas ng katawan sa gabi.
Yah I know. Sensya na po ah malinis naman po kase ako at inaalagaan ng asawa ko. Work from home ako sis at di ko ramdam ang init sa bahay gawa po ng naka aircon kami mag damag plus inaalagaan din ako ng hubby ko sya nag wawipes sakin or minsan nag wawash naman ako to secure din.
Buti di ka pa tinataboy ng asawa mo sa ganyang kadugyutan mo. Twice a week ang ligo sa ganito kainit na panahon? Goodness! Kawawa naman ung makakalanghap ng amoy mo sa pagtutok ng fan/AC sayo. Baka naman hindi na dala ng pagbubuntis yan. Baka sadyang tamad ka at dugyot sa katawan😫
Wala po akong Amoy sis 😊 tsaka mag damag ho kami mag aircon / Sala at Kwarto ko naka bukas ang aircon namin. Well di naman ako ganto dati po don't worry. Tamad? Sorry ha? Nag wwork din kami ng Hubby at naalagaan naman nya ako ng tama. Well wala naman kami problema ng asawa ako about hygiene dahil inaalagaan nya po ☺️ sensya na di ko kase ramdam init talaga minsan nga inooff ko yung aircon pra madama ko naman yung init kaso wala naman akong amoy 😉 di ako dugyot 😚
Ako tamad lang magluto pero the rest na gawaing bahay hindi naman but my husband refrain me from doing so much household chores lalo na pag lagi mafofold yung hips it's a big no no. Pero sis.. everyday ako naliligo at 3 times a day nagpapalit ng underwear😂
mother of super cute baby boy