Ikaw ang magulang

Agree po ba kayo na ikaw ang magulang ikaw dapat masunod sa pagpapalaki at pag aalaga sa baby mo? Hindi ko alam kung minamasama ko lng or ganito talaga. Kasi po napansin ko na medyo magkaiba kami ng way ng biyenan ko (lola ng baby) sa pagpapalaki ng baby. Gusto ko kasi medyo traditional or ung naniniwala sa mga pamahiin (syempre with doctor's concern padin kung about sa health) siya kasi hindi masiyado. Like ayoko pa pulbuhan kahut pwet nu baby kasi newborn pa siya pero sinasabihan nako na daoat daw pulbuhan ko na, or mah baby wipes na kami instead of cotton balls, tapos ung baby wipes sila bumibili fresh scented pa! Wala naman po masama pero nag iingat lang po ako diko naman mapagsabihan. Wala naman siguro masama dun saka naniniwala kasi ako na kapag ganun mas simple at di maarte ang paglaki ng baby. Since siya mas matanda at nakapisan kami wala ako magawa kundi sumunod. Minsan ndi tuloy nasisiyahan sa mga nangyayari pero nakikisama padin ako ayoko naman magkaron ng sama ng loob. Sa asawa ko nalang sinasabi mga ways na naaayon sa pag aalagang gusto ko. Saka gusto kong magpaka magulang sa baby ko ayoko naman ipaalaga sa iba lalo na't newborn pa siya.Naniniwala po kasi na ikaw ang magulang ikaw ang dapat masunod, na ung iba sa paligid ay dapat guide at tulong lang hindi yung sila pa yung magdedesisyon. Hays sana po makaya na namin mag asawa ang bumukod ang hirap kaya tiis muna

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Sa bahay namin ginagamitan ko ng evidence based. Like pag gamit ng powder na may mga studies na yung talc nakakacause ng vaginal cancer, or yung powder component mismo can be inhaled by babies and can cause lung problems. Yung pagpapainom ng water can lead to electrolyte abnormality pag less than 6 months palang kasi immature pa kidneys nila. Kahit mama ko wala ng mahihirit sa akin pag ganun na sinabi ko.

Magbasa pa

Yep tama ka mamsh. Dapat ikaw masunod. Additional guide lang sila. Mas maganda pag ganyan kasi pag may nangyari kay baby (wag naman sana), at least wala kang ibang sisisihin. Walang masisirang relasyon, ganun