Closed cervix (38 weeks and 5 days)

Any advice/tips para mag open cervix? I'm currently taking a primrose na pampalambot daw ng cervix, and worried ang midwife ko na baka umabot ako sa due date ko and still closed cervix parin. I'm thinking na mag ride ng bike kaso inaalala ko naman if safe naman kaya sya for my baby? #advicepls

18 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Squat po mi.Sa first baby ko Sept 24 due date ko. Pagdating na pagdating ng September nagstart na ako mag tagtag. Naglaba po ako mano mano tapos pag nagbanlaw ako pa squat ang ginagawa ko tayo upo. tapos kinabukasan namalengke naman ako lakad balikan.Kinagabihan nag start na sumakit balakang ko tapos pag ihi ko ng 1am may bloody show na ako pero konti lang kaya natulog pa ako ulit. pero 3am nagising ako kasi 5mins interval nalang pabalik balik na ung sakit. nagpadala na ako sa hospital. 4am 6cm na ako agad pero tolerable pa ung sakit nakakaya ko pa. 7am na ako nag active labor talaga ung hindi ko na matiis halos pilipitin ko na ung bakal ng kama ko. Pero 8:59 am baby out na ako.. Sobrang bilis lang. Sept 5 po pala ako nangnak noon.

Magbasa pa

dati po sa 1st baby ko ganyan din ako 1 week akong nag la labor sa hospital tas sabi maglakad lakad mag squat po kaya lang ganun padin 3cm padin sya.. eh need ko na po manganak dapat ccs nalang ako,kaya lang wala pa naman kami pera po noon... kaya sabi ng ob try daw namin mag sex ng asawa ko uwi muna daw po kami dahan dahan lang ayun po kinahapunan pumutok na panubigan ko po...

Magbasa pa
VIP Member

not safe po mommy. wag na po mag bike. nun ako po may noreseta saakin ob ko isang tablet na maliit tapos hinati hati niya sa apat. ayun nahilab tyan ko tas mabilis din nag open cervix ko nag walking at squatting din ako akyat baba sa hagdan

TapFluencer

Since food supplement lng ang primrose. Some used like 3x a day inumin, 3x a day din ilalagay sa pempem. Tapos kain lng daw ng pinya. Lakad ng lakad. Yan po tips nakuha ko sa mga vlogger ng mga bagong panganak sa utube.

Mag tagtag ka lang mi, squat and walking. And eat pineapple po. Nag try din ako ng chuckie kasi sabi nila pampadulas daw. Naglaba pa ko non and floorwax ng sahig haha. 2 days before my duedate nanganak na ako :))

exactly 39weeks. wlang sign ng labor. nagpa tagtag naman ako. nagzu2mba ako ,then nagla2kad lakad ako. Nag is squat dn ako pero wla tlga e. sa july 24 na due ko. hays .

2y ago

sana mkaraos na tau mii

The best tips po is magsquat ka then inom ka pineapple juice yung di malamig 38 weeks and 5days din ako now and 3cm na ko then nagtake din ako primrose 3x a day

Hi Mommy Squats really help. Tapos niresitahan ako ni OB ng Primrose Oil Primavix. It surely creates amazing magic. Pwede siyang Oral at suppository.

Marami nagsasabi lumunok kadaw ng itlog yung talagang dipa naluluto ung malansa pang pdulas daw yun ewan ko lang kung totoo

2y ago

totoo yan, nanganak agad ako, labor ng 7:45 am, nanganak 9:40 am same day.

same 38weeks and 4days nako pero close cervix padin balik pako sa ob ko sa wednesdsy