hello po mommy. based po sa nalalaman ko if meron pong incompetent cervix, ay risk po kayo premature birth or pregnancy loss sa next nyo pagbubuntis. kung nagpaplano po kayo na magbuntis uli marami po kayong pwedeng gawin para maging successful po next pregnancy nyo po. una, regular po na pagpapacheck up sa OB nyo. para po regular na mamonitor ang development at status ng baby nyo. pangalawa, healthy diet po. pag nabuntis, need nyo po ng maraming folic acid at iba pang nutrients. masmainam na magstart na kayo uminom ilang bwan BAGO kayo magbuntis, para mapaghandaan na ng katawan ang pagbubuntis. pangatlo, tamang pagbigat ng timbang. nakakatulong po ito sa kalusugan mo at ng baby. pang apat, iwasan nyo po ang mga bawal,. usok, alak, junkfood, bawal na gamot. panglima, iwasan nyo po ang mastress at magkaroon ng sapat na pahinga.. . masmabuti po na komunsulta po kayo sa OB nyo. mas mabibigyan po kayo ng professional advice☺️