48 Replies
Pcos ako both ovaries, delay ako ng one month na pero negative sa pt nagpaob ako nun nakita pcos both ovaries. Nag provera ako nun para reglahin, 3 months metformin dahil mataas yung insulin level ko, nag cycle dn ako ng ovamit at follicle monitoring para macheck if may hinog ng egg. Nahihirapan na kami sa budget nun dahil ang mahal magpaalaga until ilang months wala di talaga ako nabubuntis. Nagstop ako magpaalaga, pero yung metformin tinuloy tuloy ko pa dn pero hindi ko sya every naiinom kasi nakakasuka sya sa panlasa ko at nakakahilo. Last year pa after ko mad&c nagtetake na ako ng folic acid pero same sa metformin na minsan nakakalimutan ko talaga uminom. Nag mens ako ng march 1-5 nagstart ako mag jumping ropes 1000 jumps per day literal na nakakapagod pero nakaya ko kasi gusto ko na lang pumayat sabi ko for the sake of my health na lang, then yung folic acid nun pinilit ko talagang uminom everyday nagawa ko naman, nag calorie deficit ako ng march di ko kaya mag diet kaya nag calorie counting na lang ako nun, 14 days sguro after mens ko ng march ganyan lang ginagawa ko consistent sa ganyang routine until last week ng march nagsimba kami kay padre pio sa batangas binuhos ko lahat ng prayers ko sakanya sabi ko lord ikaw na bahala. First week ng april naghihintay ako ng mens ko, nagdadala pa ako ng pads nun kasi nga baka sa byahe or sa house ng in laws ako abutan ng mens. Sinabi ko sa husband ko feeling ko delay ako kasi patapos na first week ng april wala pa si mens namili ako ng pt negative mga result umabot ng april 10 negative pa dn sa pt pero di talaga ako mapakali nun kasi alam ko may bago sa katawan ko, 16 days delay nag beach pa kami nakita ko may groto si padre pio kaya kinabukasan nagkalakas loob ako mag pt kasi pakiramdam ko may sign e until ilang drops pa lang ng wiwi lumabas agad yung dalawang red lines โค๏ธ huminto yung mundo ko nun kasi di ako makapaniwala until lumabas ako ng cr tinawag ko agad husband ko, iyak tawa kaming dalawa kasi nag uumapaw yyng saya at excitement namin dalawa
Ako po last year October nadiagnose with PCOS both ovaries. Pinag take ako ng metformin para maregulate ang insulin level at folic acid narin since pinapagawa na kami ng baby ni OB Gyne ko. 4'11 ang height ko at umabot ako ng 70kls. Pinagdiet aq ni OB. No carb tlaga ako for 3months. From 70kls naging 59kls ako. Then after 4months nabuntis na ako. Hindi ko inexpect kasi sabi ni OB expect kona na medyo matatagalan ako mabuntis since may PCOS nga. For 4 months everyday kami nagdadasal na sana magkababy na kame pero palaging nadidisappoint kapag negative ang PT. One day dumating ako sa point na kinausap ko si Lord at sinabi ko sa kanya na hindi nako magdadasal na magkababy. Magtitiwala nalang ako sa plano niya sa buhay ko. Mas naniniwala ako na kapag will Niya mas magaan dalhin. We were in Baguio Cathedral that time. Hindi ko alam na nung mga panahon na yun ganun ang dasal ko pero buntis na pala ako. Parang sinabi sa akin ni Lord na kahit hindi mo hilingin ibibigay ko sayo. Kaya magpray ka lang mamsh. Ibibigay din yan ni Lord. I am 14 weeks pregnant now. ๐ Goodluck sa inyo ng hubby mo. In God's perfect time โค๏ธ
2019 Po nadelay ako ng 3months Akala ko buntis n ko excited akong ngpachck up at nagpaultrasound dun ko nlman na may PCOS Ang both ovaries ko..sympre Po nlungkot ako ntakot n bka di n ko mgkababy.di po ak nag gamot ksi wla nman dw gmot Ang PCOS bsta Ang snbi skn ng ob k nun mg exercise dw ak at kumain ng mga msusustansya di k ngwa un dhl tmad ako s mga gnun..2020 ngdecide kmi ng partner ko n mgpatingin ult ak dhl gsto n nmin mgkababy ngpchck up ak at ngpaultrasound ult ak dinak ngkkmali right side nlng Ang Meron nwla n ung sa left side tas Ang gnwa ng ob ko skn pinagtake nya kng Diane pills for 3months at my pinainom xa skn n vit.nklmtan k n Po kng Anu un..tas ung tita k n mrunong mgtaas ng mattress ngphilot ako sknya Kya ito 25weeks n Po akng preggy..Kya Po s mga my PCOS hwg Po kyong mawalan ng pagasa dhl hndi Po totoo ung di Kyo mbbntis pag my PCOS Kyo..tiwala lng din Po tlga sa TaaSโ๏ธ
May PCOS po ako, both ovaries. Na-diagnose po ito when I was around 15 years old. Diet, exercise, at birth control pills ang abiso sa akin noon. 'di ko po na-maintain ang diet at exercise pero tuloy-tuloy po ang pills ko. Overweight pa rin pero hindi na lang pinapabayaang mas bumigat pa. Currently 12 weeks pregnant at 32 years old, tumigil po ako sa pills 1 year ago. Sa first ultrasound ko po, wala nang cysts sa isang ovary kaya doon nanggaling ang egg sa pagbubuntis ๐ Sinabihan po ako noon na mahihirapang mabuntis. Pero almost exactly 1 year after tumigil sa pills, nabuntis din. Medyo mahaba lang 'yung pinagdaanan ko sa PCOS ko kasi mula high school ko na siya kinakalbaryo ๐ Pili ka ng OB na makikinig sa 'yo at aalagaan ka. At magtiwala sa tulong niya ๐ Kaya pa 'yan โบ๏ธ
ako po diagnose na mag pcos and now 14 weeks pregnant. last yeae nag consult ako sa ob para magka baby binigyan niya ko ng fertilitty drugs but pag pasok ng nov. I stopped taking meds. January 2022 kala ko delayed lang kasi lagi naman ako di nagkakaroon then iba pakiramdam ko sobrang bilis mapagod kahit walang ginagawa then feb 24,2022 positive sa pt but sad to say March 12,2022 nakunan. May 2,2022 I decided to take pt turns out positive pero di ak naniwala kasi 1 month pa lang eh. june 2, 2022 nagpunta kami sa ob ko then nakita si baby na may heart beat 10 weeks and 6 days na sya nun at nasayaw pa ๐๐๐. pray lang po ibibigay Niya lahat ng needs natin
pcos both ovaries and just got prego after more than 2yrs trying. eto ginawa ko, nagpacheck ako sa ob na specialist for pcos para macheck levels ng cholesterol and sugar glucose. I found out na border na sila and it causes my inflammation sa pcos. nagresearch ako ng possible solution. exercise lowimpact, taking myo-inositol(para maregulate yung cycle ng mens) for more than a yr with folic acid hanggang na prego and other supplements paregulate sa sugar and fats. nag low carb din and iwas sweets. medyo magastos and effort talaga with no expectation pero i have no regret na it worked for me. god bless po
I was diagnosed with pcos since 2012. Nkailang ob n dn po ako, same procedure gnawa sken. Provera and pills. No success for me po. Pero nung time na nagkaroon ako ng GERD, lahat ng bnawal saken ng doctor sinunod ko. Hanggang sa pumayat ako and naging normal ang menstruation ko for a year (2018). After a year (2019), nabuntis ako and dun ko nlaman n wala n akong pcos. Now my son is turning 3 in a few months. Wag po kayo mwalan ng pag asa. Consult your ob first, and dpat kayong 2 ng asawa nyo. And trust God's timing, ibibigay Nya po sainyo ang pnakahihintay nyo na anak.
PCOS po ako dati, umiyak talaga ako kay Lord cguro gabi2x yon sa kakapray ko..after a month na buntis po unexpected pero nagLo low Carb diet na po pala ako nun, Kaya so happy at anwered prayer po yong first baby ko ... Now I am pregnant for my 2nd baby. 2years lang po at tinry lang po sundan kasi baka tagal na naman makaBoo but unexpected naman po na untis agad๐ Advise kasi sakin nang OBy ko noon if nabuntis kana mawawala na ang pcos mo pero wag pa rin mag pataba. Pray lang po kay God, at the right time ibibigay niya po. Praying to all women na gusto na magka baby๐๐
wow. salamat po sa pagshare. nakaka inspire po. di ko po kasi alam ang gagawin nung nalaman ko kanina๐ฅบ๐ฅบ Hopefully dinggin ng Panginoon ang hiling namin๐
me po ๐ค pcos+diabetic ngpa alaga ako sa OB for 4 years wala po ngyare, then january 2022 lumipat kame ng asawa ko sa infertility doctor,MARCH 2022 buntis na ako. vitamins+exercise+diet+ gamot+ paalaga sa infertility doctor kayong mag asawa PCOS both ovaries ako, irregular mens (twice a year lang nagkakaron),dysmynorhea then lumala ang pcos kaya ngka diabetes hindi naniwala ang doctor ko sa lowcarb/intermitternt/keto or kahit ang diet..portion eating ang pinayo nya saken..pwede mo kainin lahat bsta hindi sosobra need din mg exercise daily 30 mins for 5 days.
Ako momsh โค๏ธ Last year first week ng june nalaman namen may pcos ako . Dahil nag akala kame na buntis ako sa pngalawang bby ko dahil delay pag trans v nakita may pcos ako . Ngayong taon naman. June first week nagulat kame kase pag pt ko Two lines agad buntis pala ako kala ko delay lang ako nung may kase may pcos nga ko mi. Pero by january kase nag start ako mag diet then yung nakikita kong exercise para sa may mga pcos ginawa ko din . Then may nireseta saken si ob na gamot para sa eggcell at para reglahin ako ๐ Im 9weeks pregnant na mi
Woww. congrats po ๐๐ ang bilis po sainyo ๐ค ako po kasi nadelay ng 7days ngayong June akala ko po buntis na ako nag Pt po ako negative. kaya nagdecide po ako na magconsult sa Ob at yun nga po nakita na may PCO po ako.
Meggy