Premie baby

#advicepls #pleasehelp #firstbaby #1stimemom M#postpartum Magandang araw po! Gusto ko sanang humingi ng advice if naka experience na po kayo nito lalo na sa mga mommies natin Habang nagbubuntis po ako ay nakita po ng Ob ko na may high blood pressure po ako o baka nag exist na siya bago ako mabuntis dapat ang EDD ko ay November 21 , kaso nagka emergency Cs ako dahila ang aking placenta ay may clot kay kailangan ng ilabas si baby, at nakaabot kami ng 35 weeks, kailangan niyang mag stay pa sa NICU, nalungkot ako halos iyak araw at gabi sa kakaisip at nagi-guilty dahil maiiwan si baby sa hospital, mga ilang araw kaya siya makakastay sa hospital yun lagi ang tanong ko, baka ho mommies may advice kayo saakin , malaking tulong na saakin ang pag share ninyo para maging matatag ang loob ko sa mga ganitong sitwasyon. Salamat po

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

ok lang yan momsh ang mahalaga safe mo nailabas si baby..siguro po magstay sya sa dun for 2weeks until makumpleto nya yung 37weeks full term..pray lang po momsh maiuuwi mo din si baby..