Hi po mga momsh palabas lang po ng sama ng loob Paadvice na din po. Bale preggy po ako ngaun

#advicepls #pleasehelp 32 weeks na po pang 3rd bb ko na din po to. Ngaun po etong lip ko sinubukan ko pong kumbinsihin na after ko manganak mag pa vasectomy nlang sya. Kc sobrang ayaw ko na mag contraceptive like pills implant na try ko na. Kaso nagulat ako sa sinabi nya na ayaw nya dahil lang sa nattakot sya sa side effect naintindihan ko nman mga momsh. Kaso paano nman ako, ako na lang ba lagi mag sa sacrifice halos Lahat ng ginamit Kong contraceptive my effects din nman sa katawan ko pero ginamit ko pa din dhil ayaw ko nman mag padami lang ng anak. Sumama talaga loob ko sa sagot ng lip ko kc expected ko papayag sya dhil nakikita nya nman yung hirap ko. Ano maadvice Nyo mga momsh kc this time talaga ayaw ko na gumamit ng khit anong kontrol unless papayag sya mag pa vasectomy. Mali din ba ko dhil pinipilit ko sya na labag sa loob nya. Mabait nman po lip ko napaka caring nya samin walang bisyo. Hindi mabarkada at lalong di babaero wala ko masabi sa kabaitan nya. Tsaka eto yung desisyong pinag awayan talaga nmin ng matindi to the point na hindi nya ko sinuyo talagang pinanindigan nya na ayaw nya.

14 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Are you on the same page po na stop na kay baby #3? I think mahalaga po na mapag-usapan nyo nang masinsinan 'yan para clear kung saan nanggagaling kung want nyo na magpa-vasectomy na sya. Takot sa side effects? Magkonsulta sa doctor, wag umasa sa mga nababasa sa internet para maintindihan kung gaano ka-likely ang side effects na iniisip nya, kung mayroon man. Vasectomy is such a quick and minor procedure po in most cases, and if marami syang masamang side effects, dapat matagal nang tinigil ang procedure na yan. You may want to consider getting permanent contraception din mommy, like ligation. You may talk to your OB rin about it, I'm not sure kasi if may requirements pa sila ngayon like age ng babae, etc. At the end of the day, hindi mo naman sya mapipilit kung ayaw nya talaga, but personally, nakaka-turn off kapag ganyan. Wala rin naman masyadong options for contraceptions para sa lalaki, and permanent sterilization is really the most practical option kung wala na talaga kayong plano mag-baby ulit, kasi one procedure na lang and wala ka nang iisipin for the rest of your life.

Magbasa pa
4y ago

tama po kau nakaka turn off nga po. yung feeling na ako lang willing mag sacrifice tas sya puro sarap lang 😔 literally 😔😔 ayaw ko po mag pa ligate momsh not because of the side effect chuchu. but takot po kc ako maopera. pero cguro po kung no choice na gagawin ko pa din pero andto na po yung doubt ko sa lip ko na feel ko di nya ko ganon kamahal😔 to sacrifice his ego 😔😔

VIP Member

Hi mamshie🙂 sa mga patient namin na na encountered ko mahirap talaga ang topic na yan lalo na s amga boys. Kaya madalas talaga tayong mga girls ang nag sacrifice like LIGATE mamshie lalo na kung willing ka naman po kasi ayaw mo na mag buntis. Sa knila talaga pag dating sa mga ganyan iba pananaw nila iniisip kasi nila minsan mawawala pag ka lalaki nila pag nag undergo sila sa ganyang procedure😔 kaya madalas bago i perform yan may counseling pa

Magbasa pa
4y ago

Tama si mamshie Mona.. Pag dating talaga sa gnyan both dapat talaga ang open😔 kasi mahirap talaga yan lalo na sa side ng lalaki. Praying na maaus nyo sya mamshie kasi para sa. Family nyo din yan mahirap din kasi talga lalo na sa panahon ngaun pag malaki ang family

Nasa pag uusap naman po yan. kami mag asawa age gap ng mga anak namin 5 yrs. .. mag 3 na anak namin ngayon. Withdrawal lang kami. pero never ako gumamit ng contraceptives pati siya even condoms. As long as na ayaw niyo po na masundan better na magusap kayo about sa sex life niyo kung paano niyo maimamanage yung pleasure niyo both na hindi na madadagdagan yung anak niyo.

Magbasa pa

Ipaintindi nyo sa kanya maigi para pumasok sa kokote nya kung ano ang ibig sabihin Vasectomy. Alamin mo po pinaka malalim na reason bakit ayaw nya. Ask ko lang po mommshie, kayo po ayaw nyo po ba mag pa ligate? mag condom na lang sya kung ayaw nya pumayag sa gusto nyo mommy. ang hirap ng buhay ngayon at mahirap din mag buntis at manganak

Magbasa pa
4y ago

pakiramdam nya daw po di na sya makakapag work ng maayos pag nag pa vasectomy sya. 😔

ligation n lng po ikaw momsh..ako nga 8 n anak ko kc ayaw ni hubby mgpa ligate ako..pero ok lng po sa amin,as long as n kaya dn nmin buhayin saka macpag at ngsusumikap po tlga kmi para sa mga anak namin para pg dating ng panhon,mairaraos nmin clq

4y ago

Sana makapagtapos lahat sila, hindi lang sapat na "kaya niyong buhayib" sana lahat ng needs naibibigay nyo.

Invest in Ligation. In vasectomy, men won't have pleasure when they make contact not sure pero baka this is the reason he doesn't want to. But tayong mga babae kahit ligated may pleasure pa rin. Just a thought

VIP Member

Hindi kasi lahat ng lalaki open sa vasectomy. Mas maganda na pag-usapan nyo mabuti ng maayos kung anong family planning ang approved sanyong dalawa. Also consider na lang siguro ang ligation.

Parang yung Mister ko lang, pinagtatalunan namin na magpa blood chem kami kaso ayaw niya. Takot siya sa injection pero sa karayom ng tattoo, hindi. Magpaligate na lang po kayo.

siguro yung point ng masculinity sis, yung ego n mgging baog siya, pag nalaman ng mga kakilala or kaibgan bka makantyawan siya.

4y ago

that's the point momsh 😔 I feel betray parang mas inuuna nya pa yung ego nya kesa saken😔

Machismo sis. Probably the same reason kung bakit ayaw mo magpaligate. Mag-condom n lang kayo.