Hi. Same po tayo bale 38 weeks ako nanganak, pero low fetal weight din po ang baby ko noon. Behind sya lagi ng 2 weeks.
So kung 38 weeks na ako, ang size nya noon 36 weeks lang. naka scheduled CS ako. Akala namin 2.5 na sya yun kasi nakalagay sa ultrasound, pero nung lumabas 2.2 lang sya at sobrang litt, payat sya tapos halos ayaw namin buhatin mukha kasi syang fragile parang ang daling mabali or baka mapilayan. Wala kasing taba. Parang butot balat konti lang ang laman.
There are cases na naiiwan si baby kahit fullterm pa, dipende kasi yan kung malakas sila kahit maliit. Pero sa case ko malakas yung baby ko kaya na-room in agad at nauwi ko agad same ng discharge date ko. Sobrang alaga po kasi kami ni OB sa dami ng vitamins and supplements at mga healthy food and intakes kaya malakas si baby.
Maselan ako magbuntis kaya marami akong iniinom naka full bedrest din ako noon. Pero for low fetal weight ang ni recommend sakin:
- Amino Acid 2x a day
- Eat more meat (Fish, Steak, Chicken...) more on high protein foods
- IgCo Colostrum Milk (this is expensive around 2k+ per box)
Magbasa pa