How to Relactate Fast?

Any advice po mga mamsh :((( My LO is 27 days old at since first days niya mahina ako maggatas kahit halos gawin ko nang candy ang Natalac (4 tablets a day na ako uminom) pati gawin kong tubig ang Malunggay. Inverted nipple din ako at the same time kaya naging exclusively pumping mommy ako. Ngayon, nagsugat na both nipples ko kakapump :((( hindi tuloy ako makapump kasi masakit talaga tapos parang since nagkasugat ako, from 3oz per pump, naging 1 oz hanggang sa parang patak patak na lang kaya nagstop muna ako para ipahinga. Ngayon, wala na nalabas na gatas after 2 days ko na pahinga. Any tips po on how to relactate ng mabilis? Member ako ng Magic 8 Mommies on Facebook kaso nahihiya ako magpost dun, kitang kita kasi profile mo. Mixed feed din LO ko, ayaw ko na maging Formula na lang gatas niya kasi plan ko lumakas supply ko kahit mag over supply pa para makapag donate ako. Basta gusto ko maging Breastmilk lang gatas ni baby before siya mag 6 months :( Ngayon ang pakiramdam ng dede ko, uncomfortable na parang nangingiwi, gusto ko magpump pero parang ung nipples ko kumikirot kirot at the same time. Help po :( pinanghihinaan ako ng loob :( (picture na to kinuha ko nung nagsusugat na nipples ko)

How to Relactate Fast?
29 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Join ka sa Breastfeeding Pinays on Fb momsh, malilinawan ka about sa lahat ng katanungan mo about breastfeeding 😊 Doon ko natutunan ang about nipple confusion (mixed feeding), pros & cons of pumping early, dapat at least 6 weeks na si baby if kailangan mo mag-pump. But if stay at home lang tayo mommy, much better if direct latch lang si baby sa'yo para ma-stabilize na ang milk supply mo, magkakaroon ng nipple confusion si baby if ibo-bottle feed sya. Konting tiis lang mommy if magkasugat man ang nipples, I think we all go through that phase lalo na't FTM. May tips din akong nakuha sa ibang mommies, babaran mo lang momsh ng breastmilk mo yung may sugat para mabilis gumaling. Proper latch is the key para hindi na ulit magkasugat ang nipple πŸ˜‰ sabi nga nila, ang pagpapasuso sa baby ay hindi naman talaga dapat masakit. Ganyan din po ako nung una, halos mag-give up dahil sa sakit pero pinush ko lang kasi gusto ko talaga EBF or exclusive breastfeed si baby. Ngayon, 2 months & 15 days na sya super naeenjoy ko na ang breast feeding dahil yun ang isa sa bonding namin ni baby. Good luck momsh, kaya mo yan 😊

Magbasa pa