How to Relactate Fast?

Any advice po mga mamsh :((( My LO is 27 days old at since first days niya mahina ako maggatas kahit halos gawin ko nang candy ang Natalac (4 tablets a day na ako uminom) pati gawin kong tubig ang Malunggay. Inverted nipple din ako at the same time kaya naging exclusively pumping mommy ako. Ngayon, nagsugat na both nipples ko kakapump :((( hindi tuloy ako makapump kasi masakit talaga tapos parang since nagkasugat ako, from 3oz per pump, naging 1 oz hanggang sa parang patak patak na lang kaya nagstop muna ako para ipahinga. Ngayon, wala na nalabas na gatas after 2 days ko na pahinga. Any tips po on how to relactate ng mabilis? Member ako ng Magic 8 Mommies on Facebook kaso nahihiya ako magpost dun, kitang kita kasi profile mo. Mixed feed din LO ko, ayaw ko na maging Formula na lang gatas niya kasi plan ko lumakas supply ko kahit mag over supply pa para makapag donate ako. Basta gusto ko maging Breastmilk lang gatas ni baby before siya mag 6 months :( Ngayon ang pakiramdam ng dede ko, uncomfortable na parang nangingiwi, gusto ko magpump pero parang ung nipples ko kumikirot kirot at the same time. Help po :( pinanghihinaan ako ng loob :( (picture na to kinuha ko nung nagsusugat na nipples ko)

How to Relactate Fast?
29 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

itali nyo po yung nipple nyo para lumabas. ako di po makapag padede nung ilang weeks na si LO ko, sobrang frustrated ako kasi naaawa ako sa kanya kasi alam ko di sya nabubusog nun. ginawa ng mother ko, tinali nya yung nipple ko para lumabas. thank God kasi kahit sobrang sakit nung piniga ni mother ko ng sobra, worth it naman. nakakadede na ng maayos si LO ko. until now, 3mos na sya. pure BF ako. kaya mo din yan mamsh. wag kang susuko. seek help sa mother nyo po☺️

Magbasa pa